The Confession

26 0 0
                                    

Jake's POV

It's Sunday. It means, Laundry Day! And very tiring day as well.

Pero kahit busy ako, panay parin kami text ni Eunice. Non stop. Kahit mabasa na ang kawawa kong cellphone, nothing can stop us. Ansavee?? Hahaha!

Buong araw kaming magkausap, buong araw din akong masaya. Buo ang araw ko kapag nakakareceive ng mga messages niya. Kahit simpleng Hi Potch o Ano gawa mo Potch? Masaya at kuntento na ako.

Ganun siguro talaga kapag inlove ka. Simpleng mga bagay, sobrang halaga na. Sobrang nakakaappriciate na. Sobrang kaligayahan na. Makukontento kana.

That's how much She means to me. Sobrang Mahal ko na siya that time. Pero hindi ko alam kung may pag asa ba ako, o kung may konti man lang siyang pagtatangi sakin. I still didn't know, until i asked her.

Patapos na ako maglaba, hapon na yun. Ang dami kasing pinalabhan si tita. Tapos sa poso pa ako naglalaba. Patayan no?

Katext ko parin si Eunice nun magmula umaga hanggang sa mga oras na yun.

"Di ka pa tapos maglaba Potch?"

"Hindi pa ee. Ang dami kasi. May mga kumot at yung mga tuwalya nilabhan ko din kaya matagal ako natapos. Haaaay .."

"Ahy ganun. Ang sipag mo naman Potch. Ako nga, si mama gumagawa lahat. Ayaw niya kasi akong napapagod. Baby na baby ako dun ee. Hahaha!"

"Inggit nga ako sayo ee. Ako nga, wala ng nanay. Iniwan kami dahil sa ibang lalaki. Kaya ayun, naiwan ako at mga kapatid ko na walang nanay."

"Okay lang yan Potch. Atleast ikaw, independent na diba? Ako nakadepende parin kilala mama."

"Syempre masarap kaya yung feeling na may nanay na nag aalaga."

"Sabagay .. Hayaan mo na, basta magsipag ka nalang mag aral ha. Para sa mga pangarap mo at sa mga kapatid mo."

Sige Potch. Sabi mo ee. Kaso wala na akong pangarap."

"Hala? Bakit naman? Matalino ka pa naman."

"Ee kasi wala na nga akong pamilya, broken family. Nakakatamad mangarap kapag ganun. Wala kang mapaglalaanan."

"Ah .. Ganun? Sayang naman yung talino mo."

Sasabihin ko na kay Eunice. Gusto ko ng magtapat sa kanya. Kaso hindi ko alam kung paano. Hays!

"Potch .." text ko sa kanya.

"Bakit Potch?"

"Pwede ka bang maging pangarap ko?"

Hindi agad siya nagreply sa tanong ko. Kinakabahan na ako. As in. Baka magalit siya. O baka umiwas. Huhuhu! Wag naman sana.

"Huh? Ano ibig mong sabihin Potch?" reply niya.

"Gusto ko maging pangarap ka. Pangarap na makasama ka."

Medyo malabo ee nu? Wala na kasi akong maisip na sasabihin sa kanya ee. Kung paano ako magtatapat.

"Pwede naman Potch."

"Matagal na kasi kitang gusto, Potch. Unang rinig ko palang sa boses mo, iba na ang naramdaman ko."

What the .. !! Hindi ko alam paano ko naitext yun.Tsk

Baka dala na rin ng damdamin at kagustuhan ko ng magtapat.

"Whe .. Wag ka ngang magbiro Potch. Hindi nakakatuwa."

"Hindi naman ako nagbibiro ee. Gusto kita. Mahal na nga ee."

"Paano mo naman nasabi? Di pa naman tayo nagkikita ah?"

She's sounds like doubting to what i've said. Well, i can't her. Totoo naman na di pa kami nagkikita pero i'm very sure, MAHAL KO NA SIYA.

"Nasabi ko yun dahil masaya ako kapag nakakausap ka. Sobrang lungkot naman kapag hindi. Hinahanap hanap kita bawat oras. Hindi kompleto ang araw ko kapag walang kahit na isang message na galing sa iyo. Mahal kita Eunice. Sana maniwala ka."

"Okay. Pero, nakita mo na ba ang pictures ko? Hindi naman ako maganda. Hindi ako nakakaproud maging girlfriend."

"Of course you are. Maganda ka para sa akin. Simple ka nga lang, pero yun nga ang gusto ko ee. Simple pero Maganda."

"Hindi pa ako pwedeng magboyfriend Potch. Magagalit si mama."

Yeah. I was very hurt that time. Para kasing sinasabi niya na, ayaw niya sakin.

Ang dami niyang reasons, siguro iniisip niya, susuko din ako. But well, i'm not that kind who easily give up. Hindi ako basta sumusuko. Gagawin ko muna ang lahat lahat, at kung wala parin, saka lang ako susuko.

I won't give up on you, Eunice. NEVER.

"Hindi naman natin ipapaalam ee. Hayaan mo lang akong iparamdam kung gaano kita kamahal. At kung hindi mo maappriciate, i'll surrender."

"Pag iisipan ko Potch ha. I don't want to hurt you, but it's not a simple thing."

"Sure, take your time to think, Potch. I'll not bother you for the meantime."

"Okay. Thanks Potch." huling reply niya that day.

Pakiramdam ko, naging triple ang pagod ko. Nasasaktan na ako na isiping, she'll going to reject me. I can accept a No to her. I'll die. My heart will die.

I'm scared on rejections. I hope, she'll not do it. I love her a lot. I only need is a chance t prove that to her, and I swear, she'll not regret it.

Hindi na kami nakapagtext hanggang gabi. Si Mil nalang ang nakatext ko.

"Ano chums? Nasabi mo na kay Eunice?" tanong ni Mil.

"Oo Chums. Nasabi ko na."

"Oh? Anong nangyari Chums?"

"Pag iisipan pa daw niya ee."

Nalungkot ako ng maalala ko ang usapan namin ni Potch kanina.

"Pag iisipan? Baka naman ayaw niya sayo?"

"Siguro nga Chums. Hindi ko alam ee."

"Tingnan nalang natin Chums. Baka naman nabigla mo lang siya kaya sabi niya, pag iisipan niya." sabi ni Chums.

Pinapalakas niya ang loob ko. Mabait naman si Mil ee. Siya nakakausap ko habang wala si Eunice o kapag busy naman si Shantal.

Maaga akong natulog ng araw na yun. Pagod ako sa paglalaba at higit sa lahat, hindi kami magkausap ni Potch.

--
Naiiyak ako habang sinusulat ko ang chapter na 'to :( Hahaha! XD
Nararamdaman ko pa kasi yung feeling ee. Buti nalang natapos ko din 'to :)

Please don't forget to Vote ang leave some comments :)

#TorpengPogi X(

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon