Jake's POV
Sa bawat araw na dumaan, mas naging close kami ni Eunice. At lalo ko siyang minahal. Sa pagiging malambing niya. Kahit friends palang kami, malambing na siya.
Nagkaroon kami ng tawagan, Call sign kung tawagin sa clan.
We used to call each other as 'Potch'.
Patulog na sana ako, ng magtext si Potch. Naaalala ko pa noon si Faith. Naging magbestfriend kami ni Faith since 2nd year. Lagi kaming magkasama. Hanggang sa nahulog na ako sa kanya. Sabi niya noon, crush niya daw ako. At dahil mahal ko na din siya, sinabi ko na noon na liligawan ko siya.
She agreed. Kinabukasan naman, sabi niya, kami na daw kung gusto ko. Pero binawi niya din. Lasing lang daw siya kaya ganun.
I expect too much on us. Akala ko, magiging kami, officially. But, she only left me hanging.
"Hi Potch. Ano gawa mo?" text ni Eunice.
"Nakahiga na Potch. Medyo antok na kasi ako ee."
"Ah .. Saan ka naman nagkahiga?"
"Sa bed of nails. Hahaha!"
"Hala. Bakit? Malungkot ka ba?"
"Medyo. I just remember Faith. Nalulungkot lang ako dahil umasa ako at nasira ang friendship namin."
"Kalimutan mo na siya. Nandito naman ako ee. Wag kana malungkot."
"Thanks Potch ah."
"You're welcome Potch."
"Potch .. Pwede magtanong?"
"Ano yun Potch?"
"NagkaBf kana ba?"medyo naiilang kong tanong.
"Yup. Nung 1st year ako."
"Anong nangyari? Bakit hindi kayo nagtagal?"
"Kasi bata pa ako. Nahuli kami noon ni mama. Kaya sinabihan niya ako na hiwalayan yun."
"Ah .. Mahal mo si Ex?"
"Hmm .. Puppy Love."
"Huh? Puppy Love? Gaano ba kayo katagal?"
"7 months kami. Ikaw ba Potch? NagkaGf kana?"
Kinabahan ako. I admit. Torpeng Torpe talaga ako. Pinaglihi ata ako sa ka Torpehan ee. Pero para hindi masaktan ang Pride ko, i just invented a story. Baka kasi isipin niya, napakahina ko.
Well, i'm weak. Very Weak. Natatakot kasi akong masaktan. Takot na nga masaktan, na sample.an pa ni Faith. Haaaay .. Ang saklap.
"Oo naman. Babaero nga ako noon ee." pagsisinungaling ko.
"Oh? Ang bad mo pala Potch. Hahaha!"
"Hindi naman. Malay mo, magbago na ako, diba?"
"Ang mga babaero, di na nababago."
"Hindi naman. Meron din na nagbabago no. Kapag nahanap ko na ang babaeng para sakin, magbabago na ako." pagpaparinig ko.
"Hahaha! Talaga lang ah. Naka ilang Gf kana?"
Inisip ko kung ilan yung mga naging super crush ko.
Si Princess na, ka mutual feelings ko lang noon pero namatay na, si Hazel na ganun din. Si Carmela, na parang wala lang din noon. Nanliligaw kasi ako, pero kapag aaminin ko na na mahal ko sila at nalaman ko na may crush na iba, tinitigil ko na ang panliligaw. Ayoko kasi ng ka kompetensya. Pati si Faith, sinama ko na sa bilang. Naging kami naman ata. For a minute nga lang. Haist. I have ni choice. Siguro nga, sinungaling ako. But, i just want to keep my pride o dahil takot lang akong matawag na Torpe? Haaaay ewan.Tsk
"Mga 4 na Potch."
"Wow. Babaero ka nga ah."
"Hindi nama gaano. Hehehe!
"Hindi pa ah. Ee sino ang first kiss mo? Sino ba ang first girlfriend mo? Malamang siya yun."
"Si Princess. Kaso patay na siya. May sakit kasi siya noon. Wala pa akong first kiss. Ikaw?"
"Whe?? Wal ka pang first kiss? Si Ex ang first kiss ko ee."
Haaaay .. May first kiss na siya. Grabe. 1st year pa siya noon ah? Tinalo pa ako.
"Opo nga po. Wala pa akong first kiss no. Hahalikan ko lang ang babaeng magpapabago sa akin."
"Ang swerte naman niya. Kaya lang naman nakuha ni Ex ang first kiss ko kasi makulit siya. Si Karla nga lang ang nagsasabi sa kanya na ayoko magpahalik ee."
"Eeh? Bakit naman ayaw mo magpahalik?"
"Kasi amoy sigarilyo. Nagyoyosi kasi siya ee. Ikaw ba? May bisyo ka?"
May bisyo ako. Inom lang. Pero hindi naman as in araw araw. Nung broken hearted lang kay Faith medyo madalas. Pero di ako hayok sa alak no.
"Inom lang Potch. Di ako nagyoyosi ee."
"Ah .. Si Ex kasi, inom tsaka yosi. Kaya naiinis ako dun. Ayaw ako sundin. Nagtimer nga yun ee. Pero okay lang. Di ko naman siya ganun ka mahal ee."
"Niloko ka? Grabe naman yun. Ako, hindi ako nagta.Timer."
"Whe?? Di ba, babaero ka?"
Ahy! Oo nga pala.Tsk
Sinabi ko nga pala na babaero ako, kahit hindi naman.Haist.
"Oo nga. Pero di ako timer no."
"Ah .. Wow .. Ang bait naman."
"Hindi naman. Hahaha!"
"Sus! Pa humble ka pa Potch ah."
"Humble naman talaga ako ee. Hehehe! Joke."
Tiningnan ko ang orasan. Napasarap kasi ang usapan namin, di ko namalayan ang oras.
3am na ng madaling araw??! Hala!! Ilang oras nalang tulog ko nito.Tsk
Ang tibay din ni Potch ah. Hindi pa inaantok.
"Potch .. Sleep na ako ha. Maaga pa ako bukas ee."
"Ah Sige Potch. Salamat sa time ha. Sorry late kana tuloy makakatulog."
"Okay lang Potch. Salamat din sa Time.
Good Night Potch ..
Sweet Dreams .."
"Good Night din ..
Sweet Dreams Potch."
Gusto ko pa sana mag pahabol ng I love you, kaso hindi pa ako handa magtapat kay Eunice. Ang Torpe ko talaga, KAINIS!!
Pero okay na yun. Atleast masaya akong matutulog. Kasi buong araw kami magkatext ni Potch. Hahaha!
Yun nga lang, masaya din ang mga eyebags ko dahil palaki sila ng palaki. Haaaay ..
--
Hindi ko makalimutan yung gabing yun. Magkausap kami ni Potch :")
Kahit once a week lang siya magpagload that time, sinusulit ko naman bawat oras. Pakiramdam ko noon, mahalaga din ako sa kanya.
Kahit magkanda puyat ako basta makatext siya, Okay lang ;))
Until now, di parin niya alam na siya ang first girlfriend ko, hindi ko na din nasabi kasi it's too late na :(
Please leave some comment and to Vote! :))
#TorpengPogi X(
BINABASA MO ANG
Story of Our Love
RomanceMahirap kalimutan yung taong dahilan ng lahat ng bagay sayo. Mahirap balewalain yung taong halos mas mahalaga pa sa buhay mo. Mahirap magsimula ng bagong buhay lalo na kung naka settle kana sa mga pangarap niyo, and yet, mawawalang saysay din pala. ...