We starts here

68 0 0
                                    

Jake's POV

Papunta na kami noon ni Jane sa canteen. Wala kasi kaming TLE subject kaya skip to Vacant na. Kaso, hindi ko nakita ang crush kong ST (Student Teacher) na si Claire.

"Bored naman sa clan mo, Jane." sabi ko sa kanya habang tinitingnan ang phone ko kung may nagtext.

"Wow ah! Bored? Ee halos nga lahat ng member sa clan, friend mo!" sabi niya sabay hampas sakin sa braso.

"Oo nga. Kaso bakit wala pang naggi.Gm? Haist. Boring .." sabi ko sabay buntong hininga.

"Busy yang mga yan. Yung iba kasi, may work. Yung iba may pasok sa school, at ang iba, puyat. Puyat sa mga bf at gf sa clan." paliwanag ni Jane sakin habang pumipili ng makakakain.

"Ganun? Ano byan. Alis nalang kaya ako sa clan mo."

"Uy grabe! Wag naman. Hintayin mo, may magtitext sayo maya maya."

Nagkibit balikat nalang ako at bumili nalang ng fruit shake.

Palabas na kami ng canteen ng biglang umulan.

"Anak ng ..! Paano tayo makakapunta ng room niyan? Maulan.Tsk!" sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Ang OA naman! Daan tayo sa corriedor papunta sa room."

"Sige, daan ka. Para sitahin ka ng wicked witch dyan! Alam mong bawal dumaan sa mg pasilyo lalo na kapag oras ng klase." sabi ko sabay tulak kay Jane.

"Aray naman! Haist! Titila din yan. Teka, may output kana ba sa Filipino? Di pa kasi ako nakakagawa ee. Tara, bili muna tayong output paper." sabi ni Jane at hinatak ako pabalik sa canteen.

Sa cooperative kami bibili, bilihan yun ng mga papel, libro, uniform at iba pa. In short, bilihan ng school supplies. Katabi yun ng canteen kaya madadaanan na naman namin ang canteen na napakaraming estudyante ang nakahilera.

"Langya ka naman. Galing na tayo dito kanina ee. Di mo pa naalala yung output.Tsk" anggal ko kay Jane.

Kung inaakala niyong dyowa ko si Jane, nagkakamali kayo. Seatmate/Kaibigan kami ni Jane. Suki siya ng mga bully sa room, kaya kami lang lagi ang magkasama dahil sigurado akong wala namang may gustong makipagkaibigan sa kanya.

Hindi naman siya pangit, well, hindi din maganda. Average lang. Kulot ang sabog niyang buhok. Hindi siya maputi at hindi rin morena, Maitim siya. Maliit lang siya pero kapag naglakad, akala mo may pupuntahang away.

Siga siya in short.

Ewan ko nga paano kami naging magfriends ee. Siguro friendly lang talaga ako. Hahaha!

"Sorry naman diba? Nakalimutan ng lola mo ee." sabi niya sabay taas ng isang kilay.

"Dagukan kita ee, para wala ka ng maalala." sabi ko sa kanya na naiinis na.

Nakarating na kami sa Coop. Bumili na agad siya ng output paper. Ako naman, bumili ng ballpen.

Biglang may nagtext sa phone ko at tiningnan ko agad kung sino.

Galing pala kay Ecinue.

"Jane, si ecinue ba, babae o lalaki?" tanong ko kay Jane habang binabasa ko ang Gm niya.

"Aba malay ko. Itext mo kaya para malaman mo no."

"Okay. Sungit mo ah. Tara na nga sa room. Baka nandun na adviser natin. Lagot tayo." yaya ko kay Jane.

Umirap lang siya at sumabay na sakin sa paglalakad papuntang room, at as usual, dadaan na naman kami sa canteen. Sari saring amoy na naman ang makakasagupa namin. Haist! Kainis naman na ulan yan oh!

"Hi ecinue .." text ko kay ecinue.

"Hello emojake." reply niya.

Emojake kasi ang codename ko sa clan.

"Ano ba real name mo?"

"Eunice Diaz po."

"Ah .. Ilang taon kana?"

"15 po .. Ikaw po?"

"16 palang. Pero malapit na ako mag 17, nag aaral ka?"

"Opo. 3rd year po. Ikaw po?"

"4th year na ako. Taga saan ka?"

"Taga Marikina. Ikaw po, taga saan?"

"Quezon City." huling reply ko.

Grabe. Nauubusan na ako ng itatanong. Hindi ko namalayan na narating na kami ni Jane sa room.

Buti wala pa si Ms. Suanco.

AP subject na namin, at the same time, adviser namin siya.

"Uy Jake, busy ka dyan?" tanong ni Jane habang tinitingnan kung sino ang katext ko.

Iniwas ko naman ang phone ko para hindi niya makita kung sino.

"Ang epal mo naman Jane ee! Make your own business! Busy ako dito ee." inis na sabi ko sa kanya.

"Sows! Kilala ko na kung sino ang katext mo. Si Ecinue! Kaya wag kana magtago dyan. Bisto kana!" natatawa niyang sabi.

Kumamot nalang ako sa ulo. Alam naman pala niya ee. Nagtatanong pa. Tsk

"Kilala mo naman pala ee. Wag kana umepal!" sita ko sa kanya.

"KDot!" sabi niya sabay irap.

Umiling nalang ako. At inatupag na ulit ang phone. Madami ng nag Gm, pero na kay Ecinue parin ang focus ko.

Babae pala siya. Taga Marikina. Akala ko lalaki ee. Ang lupet kasi ng codename niya. Ecinue in reverse of Eunice na real name niya. Pinaghirapan niyang isipin yung codename niya nu?

Ako naman, kaya EmoJake, kasi, Emo talaga ako in a sense. Hindi pa kasi ako nakakamove on kay Faith ee. Hindi ko naman siya matatawag na ex dahil biglang bawi naman ang pagsagot niya sakin noon. Haaaay .. Paasa naman yun. Kalimutan na nga lang. Tsk

"Eunice, bakit di kana nagreply?" text ko kay Ecinue.

Eunice na lang ang itinatawag ko sa kanya. Hirap kasi ispell ang Ecinue.

Maya maya nagreply na siya. Naligo daw siya kaya matagal magreply. Papasok na daw siya sa school ee.

Half day lang daw sila kaya tanghali ang pasok, pero pang umaga daw talaga siya.

Sa tuwing magkakatext kami ni Eunice, napapangiti ako. Parang blessing in disguise siya sa buhay ko. Hindi ko napapansin ang oras. Parang may sarili kaming mundo kapag magkatext. I'm very curious about her voice. Ang nice niya kasi ee. Ang lambing at napaka maalaga.

Kaya curious ako sa boses niya. Dun ko kasi mafi.figure out kung totoo o plastic siya sa mga pinaparamdam niya sa aking kabutihan.

Hindi pa din ako nakakapag computer kaya di ko pa nasi.search ang FB account niya kaya di ko pa siya nakikita. Question mark pa siya sa isip ko.

Kinabukasan, kinausap ko si Jane na tawagan si Eunice, tutal, si Jane naman ang founder ng clan namin kaya may reason siya para tawagan ang mga members. But, the truth is, kay Eunice lang talaga ako interested.

--

Ang babaeng mahal ko ay itinago nalang sa pangalang 'Eunice' :))

Sana mabasa niya to at maappriciate.

Please keep on reading my book :))

And don't forget to leave some comment and to Vote!

#TorpengPogi X(

Story of Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon