Ang pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Labag man sa kalooban ni Alfonso na mag-alaga ng isang batang babae ay wala rin naman siyang magagawa. Lumisan si Alfonso sa bayan ng halos na ilang taon dahil sa mga transaksyon na iniwan sa kanya ng kanyang ina. Nang makauwi si Alfonso ay nagulat na lamang siya nang makitang dalaga na ang batang babae at ibang-iba na rin ito. Sa kabilang banda si Amanda ay nagkaroon na ng lihim na pagtingin sa binata kahit sa mga litrato lamang nito. She fell in love with a ruthless and cold man. She fell in love first, but he fell harder in the end. She was a forbidden fruit that he needed to resist in order not to make a sin. Ngunit sa bawat paglapit ng kanilang balat at sa angking kagandahan ng dalaga ay nahuhulog nang husto ang binata. Kaya bang panindigan ni Alfonso ang kanyang pagmamahal kay Amanda? O sa huli ay iiwan niya na lamang ito dahil iyon ang mas nakabubuti sa dalaga?