Nang muling bumalik si Andro sa San Ildefonso ay labis na tuwa ang naramdaman ni Gertrude. Bumalik na uli kasi ang lalaking lihim na minahal at inalagaan niya sa kanyang puso. Sa unang pagtatagpo nilang dalawa, hindi sinasadyang naibunyag niya ang nangyari sa pagitan nila nito isang gabi, labing-apat na taon na ang nakararaan. Noong pareho pa silang nasa high school. Ano ang pangyayaring iyon na iniingatan pa rin niya hanggang nang mga sandaling iyon, na hindi naman matandaan ng binata?