Bakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita. Kaso lang mapapasaya lang kita sa paraan na hindi mo ako kasama. Ang sakit! Ang hirap maging tibo, lesbiana, tboom, lahat na ng label na ilalagay sa akin. Ang hirap dalhin nung "stereotype" at ang pangit na tingin ng tao sa akin. Ang hirap harapin ng mga tao na nagsasabi na kasalanan ang pagmamahal ko. Kaya nagmamahal ako ng patago. Umaasa. Tinatago kung sino talaga ako. Kailan ko kaya masasabi sa'yo na... "Miss, can you be mine?"