MAY
Goodluck?
Dahil naiinis pa rin ako kay Gabriel, di ako nanood ng laro niya. Pinuntahan ko si Alex kaso wala daw siya dun.
Saan kaya pumunta yun?
Patapos na ang laro. Bumalik na ako sa gym. Nakita ko si Alex na sinusuportahan si Gabriel. Grabee, ngayon ko lang napansin na mas madaming fans si Gabriel.
Star player ng Men's basketball team pa naman ng school namin eh.
Nung nanalo sa game sina Gabriel. Nagyakapan si Alex at Gabriel at nagtatalon-talon.
Tinignan ko si Gabriel.
Hayy. Wala daw. Naniwala naman ako.
Wag ka ngang magselos May!Tinawag na ang atensyon ng lahat.
Nagpunta kami dun sa stage.
Aawardan na ng mga medals ang mga nanalong schools at mga MVP. Si Alex at Gabriel ang mga MVP sa Basketball.
May speech pa sila.
Nauna si Gabriel, nagpasalamat siya sa buong speech niya pero ang tumatak doon ay ang pag amin niya. "At higit sa lahat, kay Rose! Si Alex Go. Mahal na mahal kita."
Pero mas may nakakagulat pa. "Ikaw lang ang nag-iisang babae na minahal ko, lalaki na ang iba."
Naghiyawan ang lahat. Nagulat ang iba. Di talaga matatanggap ng lahat. Binatukan ni Alex si Gabriel. Tumawa lang silang dalawa.
"Sayang si Kuya. Gwapo sana, bakla naman. Sana atin na lang siya." Narinig ko sa tagakabilang school.
Sumunod si Alex.
"Nagpapasalamat ako sa school na ito dahil sa suporta sa team namin. Kay Rika at sa buong Go Alex Fans club! Maraming salamat!" Nagcheer ang mga fans ni Alex.
"Sa mga teammates ko, nagtulungan tayo para maabot 'to. Para sa atin ang karangalang ito."
"Gabby, sorry. Alam mo naman di tayo talo. Magaganda lang ang hanap ko."
Naghiyawan uli at nabigla ang iba.
"Higit sa lahat, naging MVP ako para sa isang tao. Para masabi ko sa lahat na mahal ko siya."
"Girls!" Sumigaw si Rika.
May nahuhulog na confetti at flower petals sa paligid ko na may kasamang.. Flat tops!
"May Santos." Bumababa siya ng stage, hawak niya yung mic.
Naglakad siya papunta sa akkn. Tinititigan siya ng lahat.
May pinulot siya sa sahig.
Binuksan niya yung palad niya.
May lamang flat tops.
Tinitigan niya ako sa mata. Sinabi niya damit yung mic.
"Miss, can you be mine?"
Di ko alam kung anong gagawin ko?
Tumingin ako ang mga tao sa paligid namin. Yung iba natutuwa at yung iba nagagalit. Yung iba excited at yung iba naman, umaalis na. Yung iba tanggap ang nakikita nila ngayon at yung iba naman, nandidiri sila.
Handa na ba ako? Sigurado na ba ako?
Bahala na..
"Iexpress mo ang nararamdaman mo."
"Alex...Sorry. Sorry.." Ito ang dapat kong sabihin.
Narinig ko na pinag-uusapan nila ang nangyayari ngayon.
"Ah. Ehh." Wala siyang masabi at binaba niya yung mic.
"Ok lang. Basta nasabi ko na sa'yo. Di ko 'to pagsisihan." Sabi niya.
Ngumiti siya sa akin.
"Sorry talaga Alex. Pwede ba tayong maging magkaibigan pa rin?" Tanong ko sa kanya.
"Ang daya talaga ng tanong na yan! Di ko alam. Di ko pa alam." Sagot niya.
Hinatak ko siya paalis ako kasi nakikita ko na iiyak na siya at ayokong makita ng lahat yun.
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
RomansaBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...