ALEX
Nandito ako sa gym ngayon. Di ko ulit nakasabay si May. Hindi dahil sa napagusapan namin kahapon pero dahil ang aga na naman ng training namin!
At sa ngayon, lutang ako.
Hayy. Bakit ang lakas ng loob ko?
dribble*
dribble*
Umaasa pa rin ba ako sa kanya?
shoot*
Kasi naman, bakit ganun pag inlove, lahat ng kilos binibigyan kahulugan? Nahahawa na yata ako kay May sa pagiging assuming eh.
dribble*
dribble*
Hayyy, ako lang ang nagpapaasa sa sarili ko eh. Napakatorpe ko naman!
shoot*
"Nice one Alex. Tuloy tuloy ang three points mo ah." pinuri ako ni Coach. "Pero concentrate. Wag mo muna siyang isipin." biro niya. Nahulaan niya na. Parang bulati sa tiyan ko si Coach eh. Ang daming alam!
"Loko. Hindi noh." sabi ko.
dribble*
dribble*
"Weh? Maniwala?" sabi ni Coach. Nag we "weh?" na nayon si Coach?! Ano kayo bagets?! haha.
"Hindi nga." sagot ko. Tinignan ko siya ng masama.
shoot*
"Defensive. hehe" binulong niya.
Aba, bahala ka na nga diyan.
Kainis naman kasi eh. Bakit puro si May ang nasa isip ko?
BAM!
Araaaaaay!
Ano ito? Unti-unting nandidilimim yung paningin ko?
"ROSE!"
GAB
Ano naman ito?
Wala na naman siya uli sa focus?
Ang nakakainis lang talaga yung kahit hindi siya nakatingin...
... nakakashoot pa rin siya ng bola!
dribble*
dribble*
shoot*
kitams! Swak na swak sa ring!
Mabato nga ng bola.
Tatanungin ko siya kung ano yung iniisip niya..
Pustahan P100 kahit isang milyon pa, tungkol kay May ito. Lagi naman siya eh.
readyyyy. Fire!
BAM!
Sapul.
Bullseye! Sapul sa ulo!
Halaaaaa!
"ROSE!"
Sa Clinic
Nakatitig ako kay Alex.Wala pa ring malay eh.
Hinawakan ko yung mukha niya.
Tapos unti-unti siyang nagising.
"Oyyy. Gabby! Arooouch!" dali-daling bumangon at napa-upo si Alex. Grabeee, parang hindi nahimatay ito ah.
"Humiga ka muna at magpahinga.hahaha." Inalalayan ko na lang si Alex.
"Bakit ka natatawa diyan? Gustong mo pa yata akong nakikitang nasasaktan." Humiga siya. "Arouch!" Napadaing uli siya kasi tumama yung bukol niya sa kama.
"Hahahaha. Kasi naman yung "arouch" "mo eh. Nasasaktan na nga lang Taglish pa.hahaha."
"Aroouch!" Sigaw niya. Tumama ulit. Uy, ok ka lang ba talaga? "Bahala ka diyan sa buhay mo at saka pala ano yung nangyari? " Nagtataka na tanong niya sa akin.
"Ahh. Ehh. Paano ko ba sasabihin ito? Binato kita ng bola tas nagcollapse ka bigla. Tapos nauntog ka pa sa sahig. hahaha. Dabest nga eh!" kwento ko sa kanya.
"Ikaw pala yung salarin ah! tumatawa ka pa diyan?" sumbat niya. Tapos inaambahan niya na ako.
"Sorry na." Sabi ko sa kanya.
"Oo na. Di naman kita matitiis eh." Tinulak niya ako.
"I love you Alex." niyakap ko siya. Pabiro lang ang tono pero seryoso ako sa meaning.
"I love you too." sabi niya sa akin. Alam ko bilang kaibigan lang.
"Wait lang. Kailan ka pa naging tomboy?" sinabi niya at inalis niya yung yakap niya sa akin.
"Anong tomboy? Straight ako noh.hahahaha." sagot ko sa kanya.
Syempre biro lang yun. I know I'm still gay inside noh.
"Straight gay!" sigaw niya.
Pero ikaw lang ang babaeng minahal ko sa mundo. Ikaw lang. Lalaki na yung iba!
"Shhhhhh. Oo na. Ang ingay mo." tinakpan ko yung bibig niya.
KRINNNNNNNNNNNGGGGG
"Sige, bye bye. alis na ako ah.Time na eh." nagpaalam na ako sa kanya.
"Byieee." nagpaalam na rin siya.
Paglabas ko, nakita ko si May. Sa may dulo ng hallway pero paalis na siya.
MAY
Di kami magkasabay ni Alex pumasok, ang aga kasi ng training niya ngayon eh.
Madaanan kaya.
Tinignan ko yung bag ko.
Hayy. Di ko namamalayan na panay para kay Alex yung laman.
Madaanan na nga lang.
"May! May!" May tumawag sa akin. Ang aga-aga ah. Teammate ni Alex ito ah.
"Oh?!"
"Si-Si Alex." Hinihingal pa siya.
"Anong meron?" tanong ko.
"Nagcollapse daw. Nasa clinic siya ngayon." sabi niya sa akin. So nagcollapse siya? Ehhhh!
"Anoo?!" Nabigla ako dun ah. Paano siya magccollapse eh halimaw yung taong yun ah?!
Dali dali akong pumunta sa clinic. Tapos...
Ang makikita ko pa.
nakita ko na magayakap si Alex at Gab.
Nagtago na lang ako sa may pinto.
"I love you Alex. " narinig kong sinabi ni Gab.
Ano ang isasagot mo Alex?
Niyakap niya si Gab.
"I love you too." Yun ang binanggit niyang mga salita.
Umalis na lang ako papalayo.
Ano tong nararamdaman ko?
Dahil inaakala ko na hindi siya makukuha ng iba?
Masyado akong nagpakasiguro.
Natandaan ko yung sinabi niya kahapon.
Paano kung mawala sa akin si Alex?
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
RomansaBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...