ALEX
Classroom
Krrrrrrrrrriiiiiiiiiing!
Sound of salvation!
"Alex, kumusta yung ulo mo?" Nag-aalang tanong nila sa akin.
"Okay lang naman. Wag kayong mag-alala." Ngumiti ako sa kanila. May thumb up sign pa.
"Sure ka bang okay ka? Nahimatay ka daw eh." Tano ni Rika.
"Okay lang talaga ako. Tignan niyo ito."
Pumulot ako ng nakacrumpled na papel.
*Throws*
*Shoot*
"Kitams, shoot sa basurahan! Okay lang talaga ako."
Ehhhh. Nasaan ka Ma? Ikaw yung tumatawag sa akin agad kapag ganito eh.
Wala na siya sa upuan niya. Nasaan ka ba? Iniwan mo ako?
"Yieee :"> Iba ka talaga Alex!" Hiyaw nila.
"Wala yun.hehe."
Alis na kaya ako...
"Hmmm. Alex, paturo naman oh." pakiusap nila.
...kaso lang nakakahiya sa kanila.
"Ahhh. Sige. Sige." Pumayag naman itong si ako. Hayyyyyyyy.
Bakit ba hindi kasi ako maka-hindi sa mga tao sa mundo?
"Alex, kami din!" Sabi ng iba pa.
At unti-unti na silang dumami. Paano ko mahahabol si Ma nito?!
"Bihira lang ito ah. Di mo kasama si May. Lagi mo kasi siyang kasama." Usisa ni Rika. Buti napansin mo yun. Pwede na ba akong umalis?
Paano ko siya makakasama kung nandito ako nagtuturo sa inyo?
"Ganoon ba? Close lang talaga kami." Yan na lang ang nasabi ko.
"Sa kanya lang kasi umiikot ang mundo mo. Nakakainggit lang." Dagdag ni Rika. Oo nga, sa kanya lang talaga.
"Oo nga Alex. Paano naman kami? Gusto ka rin namin maka-close."
"Bakit si May pa? Kung sinu-sinong lalaki iniiyakan na lang bigla." tanong ni Jane. Truuuuue!
"Parang naging sila noh. Buti okay lang yun sa'yo Alex? Maraming umayaw na sa pakikinig sa kanya." dagdag pa nila. Oo nga eh. Nakakasawa na rin kung di ko lang siya mahal eh.
"Ang landi pa, nilalapitan niya pa ngayon si Anthony!" Dagdag pa na paiinsulto.
"Hindi niya nilalandi si Anthony." Napakunot na lang ako ng noo.
"In denial ka pa. Hindi ka pa niya napapansin. Panay yung mga crush niya lang." Dagdag sa sugat ng puso ko na sinabi ng isa pa.
"Hindi malandi si Ma! Hinding-hindi. Bakit hindi niyo siya kilalanin?" Itinigil ko ang pagtuturo ko sa kanila at nag-walk-out.
Hallway
Umalis na lang ako.
Ano ba kasing problema nila kay May?
Bakit niya pa kasi sinabi yung mga yun? Alam ko naman eh. Alam na alam ko yun. Wala eh. Mahal ko siya kahit pa alam ko yun. Di niyo na kailangang ipaalala sa akin. Martyr ako eh!
Wala nga talaga akong pag-asa.
Papaalis na ako sa building. Nung nakita ko si may na may kasamang lalaki.
Si May ba yun? Umiiyak ba siya? Sino itong lalaking ito? Si.. Si Gabby?!...
"Ma! oi, bakit?"
Niyakap ko si May.Tapos tinitigan ko si Ma sa mga mata niya.
"Gabby, anong ginawa mo?"
Tapos mas hinigpitan ko pa ni Alex ang hawak ko kay May.
"Wala. May, joke lang yung sinabi ko." tapos nag peace sign si Gab sa kanya.
"Ehhhhh." Napabaling lang yung mata ni May kay Gabby.
"Bakit po Ma?"
"Ah.. eh.. Gabriel!"
Umalis na lang bigla si Gab. Iniwan kaming dalawa.
Ano ba ito? Pati ba si Gabby magiging karibal ko sa puso mo?!
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
RomanceBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...