Chapter 15

561 13 0
                                    

MAY

Sa gym namin gaganap yung championship ng interschool basketball competition.

Nandito ako sa gym para suportahan si Alex.

Dalawang araw na rin kaming di nag-uusap.

Nagwawarm up sila ng mga teammates niya.

Kapag nakikita ko siya, di ko matanggal ang pag-aalala ko. Lalo kung may laro siya.

May dala ka bang pamalit?

May dala ka bang tubig?

May bimpo ka ba?

Nakatulog ka ba ng mahimbing?

*buzzer*

Naputol ng buzzer yung iniisip ko.
May, hindi ka na niya nanay-nanayan!

Magsisimula na yung laro nila.

Jumble na. Nakuha ng school namin yung bola.

"SRA has the ball! Ball passed to Go! Go lay-ups! Shoot!" Intense si Kuya Commentator ah.

Tapos may narinig akong tsismisan sa tabi ko.

"Ang lakas ng appeal ni Alex noh."

"Lalo nung nagpagupit siya. Mas pogi pa siya sa mga lalaki sa school eh."

"Kung lalaki lang talaga siya eh."

"Tagilid ka na ba ngayon, girl?

"Nabalitaan niyo ba na ganun si Alex?"

"Oo nga, narinig ko nga."

"Wag ka lang makinig at tumayo lang diyan." Tinapik ako ni Rika.

"Itigil niyo nga yung tsismisan na yan. Nakakairita eh. Anong problema niyo kay Alex?" Tinarayan ni Rika yung mga fans ni Alex.

"Wala naman." Sabi nung isa.

"Magcheeer na lang kayo para sa kanya." Inutusan niya sila.

"Opo." At sumunod naman sila. Di man sila nagalit.

Kakaiba ang respeto nila kay Rika ah.

"Go.Go.Alex.Go.Go.Go.Alex.Go!"

"Go for Threee!"

"Go.Go.Alex.Go.Go.Go.Alex.Go!"

"Waaah."

Nagkagulo yung audience. Lalo na yung fan's club. Nakakabingi!

Nagtime-out ng sandali.

Pumunta si Alex malapit sa akin. Este. Sa amin pala.

"Oh. Hi." Ngumiti siya sa kanila. Di man lang siya tumingin sakin.

"May tubig ba kayo? Pwedeng painom." Sabi ni Alex. Sabi ko na nga ba, wala kang tubig.

"Ito, ito!" Nagpaunahan yung mga fans niya.

"Maraming salamat." Tapos umalis siya.

Naghiyawan yung fan's club niya.

"Grabe, mahihimatay ako. Ang gwapa niyaaa."

"Binabawi ko na. Kahit babae siya, naiinlove ako sa kanya."

"Si Alex yan eh. Malamang maiinlove ka sa kanya. Sino bang hindi?" Nasabi ko nang hindi ko namamalayan.

"Yieee. Oy. Si Alex na ba yung bagong crush mo? Girls, kay May na si Alex." Sabi ng isa.

"Di ah." Di pa ako sigurado sa nararamdaman ko eh.

"In denial ka pa." Sabi sakin ni Rika.

"Pati ba naman ikaw Rika?"

"Dapat ineexpress mo ang nararamdaman mo." Dadag ni Rika.

"Makinig ka kay President Rika." Sabi ng isang fan.

"Presisent Rika?" Tanong ko.

"Ah. Hmm. Ah." Di makasagot si Rika.

"Siya ang presidente ng Fan's Club ni Alex Go, Go Alex! Fan's club. Siya ang nag inspire sa amin na iexpress ang paghanga at pagmamahal namin kay Alex." Paliwanag ng isang fan.

"Naks Rika. Ngayon ko lang nalaman yun ah." Sabi ko.

"O sya. Icheer na ulit natin si Alex! Girls. 1. 2. 3! Go! Go! Alex! Go! Go! Go! Alex! Go!" Sigaw ni Rika.

Tumaas pa ang respeto ko sa kanya.
Iexpress ang pagmamahal, magagawa ko kaya?

************

"Back to the ball game."

Nakikita ko nang napapagod si Alex. Di na siya makapaglaro ng maayos.

Nagsub out muna siya.

Dinumog siya ng mga fans niya.

"Bigyan niyo siya ng hangin."

Sabay sabay silang nag-alisan.

Umiinom siya ng tubig. Nandoon lang ako nakatitig sa kanya.

Nagkita ng sandali yung mga mata namin.

Inalis din namin. Ang awkward namin.

Habang nakaupo siya dun. Sinusuportahan niya yung mga teammates niya.

Iba ka talaga Alex.

Malakas ang kalaban namin school kaya nakalamang sila habang wala si Alex.

Bumalik si Alex sa court. Tinapik ako ni Rika..

"Go Aleeeex!" Sumigaw ako.

Tumingin siya tas kinindatan niya ako at nagpeace sign siya.

"Isa ka nang opisyal na miyembro ng Go Alex Fans club!. Haha." Sabi ni Rika. Nagthumbs up si Rika sa akin.

Nagpatuloy yung laro. Kahit pagod na pagod na si Alex, tuloy-tuloy pa rin siya.

Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

Patuloy pa rin kami na nagchicheer sa kanya.

Patuloy din ang shoot niya.

Hanggang nanalo sila. Dinumog siya.

Di na ako makalapit.

Pumunta na lang ako sa labas. Nakasalubong ko si Gabby.

"Goodluck!" Sabi niya tas naglakad na siya papasok ng gym.

"Goodluck din!" Sabi ko.

Teka lang, bakit nag-goodluck siya?

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon