Chapter 13

581 13 1
                                    


GAB

Gym

Iniwan ko na lang silang dalawa. Halata naman na gusto nila ang isa't isa eh. Alam ko na yun, matagal na.

dribble

dribble

Kailangan pa talaga nila ang tulong ko para malaman nila. Ang slow nung dalawa eh. Lalo na ni Rose. Hayyy.

dribble

shoot

"Gab, bakit nandito ka? Walang practice ah... at bawal ang maglaro ang hindi naka-sports attire."

Dumating si Coach. Tatay-tatayan namin ni Rose. Alam niya na hindi ako straight at alam niya rin na may gusto ako kay Rose. Nabigla nga siya nung unang nalaman niya eh pero tinanggap niya pa rin ako.

"Coach..." Tinawag ko siya. Nararamdaman ko nang bakas sa mukha na maluha-luha na ako. Coach, kailangan ko ng tulong niyo.

"Tungkol ba kay Alexandra 'to?" Sabi ni Coach. Kilalang-kilala na niya ako at lagi niya akong sinasabihan na tigilan ko na si Rose.

"Bakit ba kasi Coach? Bakit? Minsan na lang ako magmahal ng babae, ganito pa." Tanong ko sa kanya. Tama ka Coach, dapat tinigilan ko na noon para di na ako nasasaktan nito.

"Ok lang yan. Iiyak mo lang. May mga panahon na kailangan lang talagang ilabas mo ang nararamdaman mo kapag nasasaktan ka na." Tinapik niya ang mga balikat ko.

"Iwan na muna kita diyan ah. Ito ang susi, ilock mo na lang kapag naglalaro ka pa para walang makahuli sa'yo." Dadag ni Coach at umalis na siya. Ramdam niya siguro na gusto kong mapag-isa.

"Salamat Coach. Maraming salamat sa pag-iintindi." Sinigaw ko sa kanya. Kumaway lang siya sa akin habang nakatalikod sa akin na naglalakad.

Ilang oras na ang nakalipas. Tumingin ako bintana. Gabi na pala.

Haaaa. Haaaaa.

dribble.

dribble.

shoot.

Haaaa. Haaaaaa.

Hinihingal na ako.

Napapupo na lang ako sa gitna ng court at napapalibutan ng maraming bola. Haaaaaayyy. Mag-aayos pa pala ako.

Napapatitig na lang ako sa kisame ng gym.

Gusto ko na lang magpakapagod. Masakit eh. Masakit na masakit. Yung tipong tinulungan mo pa ang taong mahal mo. Yung nagparaya ka kahit gustong-gusto mo na mapasakanya ka para lang sumaya siya. Masakit pala. Masakit na masakit.

click.

Hala, May nagbukas ata ng pinto.

Park

ALEX

Ano ba ito? Kanina pa kaming tahimik dalawa. Nandito kami sa playground para sana mag-usap kaso kanina niya pa ako hindi kinikibo eh. Ma, ano po bang problema?

Lumapit ako sa kanya.

Umupo sa swing na katabi niya.

"Lex."

bigla siyang nagsalita.

"Ayoko na maging nanay mo." sinabi niya pero hindi siya makatitig sa akin. Bakit? Yun na nga lang ang koneksyon na meron ako sayo.

"Bakit po?" Di ko alam ang sasabihin ko. Blanko. Blanko ang utak ko. Di ko maprocess ang sinasabi niya.

"Kasi nahihirapan na ako. Wag mo na akong tawaging Ma." Dahilan niya sa akin. Kita ko sa mukha niya yung lungkot.

Bakit Ma? Anong dahilan mo? Dahil ba dun sa mga babaeng naninira sa'yo? Dahil ba napakadependent ko sa'yo?

"Ma, ba..." pinigilan niya ako. Tinakpan niya yung bibig ko.

"Basta. Mas okay na ito." Sinabi niya habang nakangiti sa akin pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ma..." Bakit? Yun na nga lang ang relasyon ko sa'yo. Yun na nga lang eh.

"Di mo na akong tatawagin na ganyan uli." Bakit? Yan na nga lang ang paraan ko para maprotektahan ka. Para maramdaman ko na special ako para sa'yo kaysa sa iba. Bakit?

"Lex, tawagin mo nga ako sa pangalan ko." Pakiusap niya. Bakit? May nagawa ba ako sa'yo?

"M-May."

Sinunod ko na lang siya.

Ngumiti siya nung narinig niya.

"Ngayon ko lang narinig ulit ang pangalan ko galing sa'yo." Sabi niya. "Natatandaan mo ba yung sinabi ko sa'yo dati." Dadag niya pa.

"Alin po dun?" Bakit mo gustong ipaalala?

"Basta." Di niya sinagot yung tanong ko. Bakit may tinatago ka na sa akin ngayon.

Punong-puno ng bakit ang utak ko. Gusto kong umiyak, magbreakdown dito dahil sa mga sinabi niya. Bakit? Bakit?

Umalis siya ng swing at naglakad papalayo.

"Sige, bye. Ingat ka." Ngumiti na lang ako para itago yung lungkot na nararamdaman ko.

Naglakad ako sa madilim na kalsada.

Naiisip ko uli yung mga sinabi ni May.

Masakit.

Kusa na lang binuksan ng kamay ko yung cellphone ko. Di ko alam kung anong gagawin.

Unti-unti na ring tumulo ang luha ko.

Nakinig ako ng music. Naglaro kaso nabored din ako agad-agad.

Tapos naisipan ko magtext.

______________

To: Chubby Coach

Coach, naguguluhan ako.

Nasaan kayo?

______________

Siya ang tinatakbuhan ko kapag ganito ang sitwasyon.

Sana magreply.

beep beep. beep beep.

______________

From: Chubby Coach

Pumunta ka nang gym.

______________

Pagdating ko sa gym. Nakalock yung pinto. Buti na lang, may susing bigay si Coach sa'kin.

Binuksan ko ang pinto.

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon