ALEX
School
Di na masyadong naging usapan yung nangyari ng Sabado.
Balik sa dating gawi. Nagkukulitan kami ni Gabby.
Ang nagbago ay yung pakikitungo ng ibang tao kay Gabby. May mga taong nagalit sa pagpapakatotoo niya.
Medyo nabubully siya.
"Ok lang yan." Sabi niya. "Insecured lang sila na mas gwapo ako sa kanila." Dagdag niya.
"Oo nga, mas astig ka pa!" Sabi ko.
Nakakalungkot lang na isipin na mas pinagtuunan nila ng pansin yun kesa sa pagiging MVP niya.
"Uy, si May." Sabi ni Gabby.
Dumaan lang si May, di man lang kami lumingon sa isa't-isa..
"Ok ka lang ba Rose?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ok na ok." Sagot ko sa kanya.
Ito ang paraan para maprotektahan ang relasyon namin
" Gabby, Alex. Ano pang tinatayo tayo niyo dyan. Gusto niyo ba ng victory party? Kung ayaw niyo, wag niyo." Sabi ni Rika.
"Gusto namin." Sagot ni Gabby. Wala talagang pinagbago si Rika.
Pagbukas ko ng room.
"Congraaaaats!" Nagsigawan abg mga kaklase at mga kaibigan namin!
May mga tao man na ayaw sa amin.
Pero may mga tao na nandito lagi sa tabi namin.
Si Gabby, kasama yung teammates niya, tropa talaga sila. Di nagbago ang tingin nila kay Gabby.
"Kahit sinabi mo man na bakla ka tol. Ganun ka pa rin eh. Di nagbago ang tingin namin sa'yo. Reresbakan natin yung mga g@g# na nanggugulo sa'yo." Sabi ng teammate niya sa kanya.
Si May, ayun nakikipag-usap kay Rika. Best friends na sila. At close na sila ng Go Alex! Fan's club.
Ako, hindi na ako yung taong naghahanap ng pagmamahal.
Wala talagang nagbago, mas naging matapang lang kami.
***************
Umakyat ako dun sa tambayan namin ni May.
Nakakatuwa lang talaga kapag nakikita ko ang mga nakasulat sa pader.
---
"Miss, can you be mine?" -M
---
"Yes, I'll be yours" -A
---"Hon." May tumawag sa akin.
"Hinihintay ka na namin sa baba. Sa classroom." Dagdag ni May.
"Susunod ako Hon. Wait lang."
Lumapit siya sa akin.
"Nandyan pa pala yan." Tinuro niya.
"Oo nga eh, 10 years na nga eh."
"10 years mo na ako nauto. I was young and stupid. Haha."
"Oy. Ako ang sumagot sa'yo." Sagot ko.
"Wag na kayong maglandian diyan!" Sabi ni Rika. "Baba na tayo Rose." Dagdag ni Gabby.
"Sige." Sabi namin ni May.
Tinitigan ko uli yung tambayan namin.
Kitakits!
Sa susunod uli.
______
Author's favor:Pabasa rin po ng Ok lang na maging masaya :) (oneshot)
Sana makapag suggest din po kayo ng magandang title para doon.
Salamat!
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
عاطفيةBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...