Chapter 6

678 21 0
                                    

ALEX

Pupunta kaya si May ngayon? Galit siya sa akin kahapon eh. Grabeee.. Halos di ako nakatulog kagabi.

Ito na naman ako, sumusobra na naman yung iniisip ko. Bakit ba siya nainis? Dahil ba ayaw niya isipin na gusto ko siya o nung sinabi ko joke lang yun?

Hayy.. Umaasa na naman ako na ewan kahit imposible.

Kasi naman eh. Bakit ayaw mawala ng nararadaman ko sa'yo? Para di na ako nasasaktan at umaasa..

GAB

Morning practice namin.

Sa kaaga-aga naman. Bakit walang buhay yung taong ito? Paikot ikot lang sa court.

Anong nangyari sa taong ito? Wala siyang focus. Kanina pa siyang ganyan sa practice.

"Rose!" binato ko siya ng bola. Di nagpatinag, tulala pa rin.

"Roooose!" Tinira ko pa nang isa. Sa mukha na yun ah. Ayaw pa rin.

Nung titirahin ko na siya ng ikatlong bola. Nakaamba na nga eh.

"Aray! Oy, masakit na Gabby. Ano ba yun? Wala ako sa mood ngayon?" binato niya rin ako ng bola. Ano yun? Medyo delayed reaction ah.

"Buti nga, tinamaan ka sa mukha." Nagbelat ako sa kanya.

Ok ka lang kaya? Sana di masyadong napalakas.

"Ikaw ang ace ng girl's basketball team. Umayos ka! Lutang ka eh. "

Ano kaya ang gumugulo sa iyo? Pwede mo namang sabihin eh.

"Oo na. Medyo masama lang pakiramdam ko." Tumingin siya sa baba. Yung mga matang iyan. May problema ito.

"Anong gumugulo sa'yo?"

Hindi ka ganyan. Mas alskador ka pa sa akin eh.

"Wala." sabi niya. Malungkot ang muka niya.

Yan lagi ang sinasabi mo pag ayaw mong magsalita.

"Yan na naman si Wala. Laging wala."

Pero alam ko meron. Ayaw kong nakikita kang ganyan. May dinaramdam ka na naman.

"... Gab?" Tumingin siya sa akin at hinawakan niya yung jersey ko.

"Oh?"

Magsasalita ka na ba? Sigurado ako tungkol kay May iyan. Sa kanya na naman.

"Paano kapag...? Wala... wala..." Hindi niya tinuloy.

May nangyari sa kanila kaya ganito to.

"May nangyari ba sa inyo ni May?" tanong ko.

"Wala." ulit ang sinabi niya.

Pag sinabi mong wala, ibig sabihin meron nga.

"May nangyari talaga noh. May ginawa ba sa'yo na hindi mo inaasahan?" Para akong manghuhula dito ah.

"Oo pero.." pinutol ko siya.

"Mukhang di mo pa kayang sabihin. Pag ready ka na. Kukulitin uli kita. Kaya relax ka lang ah. Nandito ako, makikinig sa'yo. Para mabawas bawasan yung iniisip mo."

Niyakap ko siya.

"Salamat Gab sa pag-intindi."

Kasi nandito lang ako kahit anong mangyari. Kahit ano man ang mangyari.

"Lex!" may tumawag kay Alex. Hayyyy.. Nako.. Si May.

Ngumiti ng sobrang laki si Alex. Nabuhayan ka na naman ng loob sa isang tawag lang niya.

Bakit sa dinami -dami ng babae sa'yo pa ako na-fall?

Sa taong babae pa ang karibal ko.

Hayy, sakit sa ulo!

ALEX

"Ma!" Nabuhayan uli ako ng loob.

"Thank you Gabby!" sabi ko kay Gabby.

"Welcome." Nakangiting pagkakasabi niya sa akin. Alam niya na masaya ako na dumating si May. "Magsorry ka na kung may nagawa ka." dagdag niya. Buti na lang may kaibigan ako na tulad mo.

"Alex." Hinatak ako ni May. Nagpahatak naman ako sa'yo.

"Ano po yun Ma?" tinanong ko siya pero di siya sumasagot. Patuloy niya lang akong hinatak. Saan kaya ako dadalhin nito?

Dinala niya ako sa may greenhouse. Pagpasok namin doon.

"...!"

Tinakpan niya yung mga mata ko.

Naglakad kami ng sandali tapos inalis niya.

O.o! -Ako

"Sorry sa kahapon ah." sabi niya sa akin.

Grabee magsorry ito.

Naghanda siya ng pizza tapos nakaayos yung mga flowers sa paligid.

"Sorry talaga!" Sabi niya tapos lumuhod pa siya. "Ma, tigilan niyo po iyan. Ako naman yung may kasalanan kahapon eh." sabi ko.

"Okay lang talaga, akala ko galit ka eh. Kasi di mo ako dinaanan kanina." sabi niya sa akin. Maluha-luha pa siya.

"Di nga ako galit. Akala ko galit ka kaya di ako pumunta kanina." paliwanag ko sa kanya. Pareho pala ang iniisip natin.

"pfft! hahahaha!" napatawa lang ako. Humiga lang ako sa may lap niya at tinitigan yung mukha niya.

"Bakit ka tumatawa diyan?" tanong niya. "Wala." sabi ko tapos kumuha na lang ako ng pizza at kumain.. Oh, PIZZA! Mahal na mahal kita.

Umandar na naman ang pagiging paranoid naming dalawa. Hayy. Ang hirap ng masyadong nag-iisip.

"Ma, mahal na mahal talaga... ko ang pizza!." gusto ko sanang sabihin na mahal na mahal talaga kita! Pero totoo naman na mahal na mahal ko talaga ang pizza.

"Ganun ba. Sabi ko na na nga ba eh, ang pizza talaga ang makakatuluyan mo balang-araw."

Tumingin siya sa mukha ko at hinawakan niya ang mukha ko. Tumingin ako pataas. Kitang kitang ko ang mukha niya at clouds pa yung background niya.

"Love you anak."

Lagi mo naman yang sinasabi eh. Masakit lang kasi alam ko "as a friend" lang.

"Love you too Ma!" -ako

at hindi ko masabi na "not as a friend."

MAY

Nakahiga si Alex sa lap ko. Nakatulog nga eh. Halatang kulang sa tulog

..gaya ko.

Kulang na kulang sa tulog.

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon