Chapter 17

821 12 0
                                    

ALEX

Hinatak ako ni May palabas ng gym. Nagkakagulo sa gym ngayon.

"Alex, ano bang iniisip mo?!" Tanong ni May sa akin.

"Wala lang. Di ako makapag-isip ng maayos ngayon Ma." Naguguluhan pa ako. Gusto ko ng comfort niya ako pero dahil din sa kanya, nakakaramdam ako ng ganito.

"O sya. Magkita tayo mamaya sa harap ng bahay namin. Magdala ka ng gamit. Magsleepover ka para mapag-usapan at maayos natin 'to. Sayang Alex. Sayang ang pinagsamahan natin kung mawawala dahil dito." Sabi niya.

Pupunta ba ako o hindi? Ewan ko! Ewaan.

Pero ayun..

Pumunta pa rin ako.

*ding dong*

"May?"

"Nandyan ka na pala. Pasok ka."

Tahimik lang kami na naglakad.

Ano kayang pag-uusapan namin? Na maging magkaibigan na lang kami?

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Ah. Eh. Di pa po." Sagot ko.

"Po?"

"Ah. Este. Di pa."

Hinawakan niya yung kamay ko.
Wag ka nang umasa Alex. Ganyan lang talaga siya, di ba? Paasa.

Tinanggal ko ang hawak ng kamay niya sa akin.

Tinignan niya ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala. Nasaktan kita masyado noh. Halata sa mga mata mo kaya natural na magagalit ka sa akin." Sabi niya.

Alam mo naman pala eh. Bakit patuloy ka pa rin?

"Akyat tayo sa rooftop." Sabi niya. Sumama na lang ako sa kanya.

Pag-akyat namin dun, nakaayos yung mga pagkain. Di siya candle light dinner ah.

May sapin yung sahig tapos nandun yung mga pagkain namin. Tapos may tent at telescope.

"Magstastargazing ba po tayo?"

"Hindi ba halata?"

"Wala ako sa mood Ma."

Hinatak niya lang ako. Pinaupo niya ako sa sapin.

"Kain muna tayo." Sabi niya.

Tahimik lang kami kumain.

Tumingin ako sa langit.

"Alam mo ba May? Yang magkalapit na star na yan." Tinuro ko yung bituin. "Billion kilometers ang layo niyan sa isa't-isa." Paliwanag ko.

"Parang tayo." Sabi ko.

Nakatingala lang ako para di mahulog ang luha ko. "Mukha kang malapit sakin pero malayo ka talaga at di kita maabot." Dagdag ko.

"Sorry, nakita mo ang kabitteran ko." Tumulo na yung luha ko pero nakangiti pa rin ako.

Niyakap ako ni May. "Alex, sorry." Bakas sa mukha niya na nalulungkot din siya.

"Di ko pa rin matanggap. Mahal kasi kita." Sabi ko.

"Mahal din kita." Sagot niya.

Tama ba ako ng pagkakarinig?

"Alex, sorry at binasted kita sa harap ng maraming tao. Kailangan kong gawin yun para maprotektahan kung anong meron tayo." Paliwanag niya.

"Ano po?" Nagtataka na ako.

"Mahal kitaa." Sabi niya. Umiiyak siya. At umiiyak din ako. Nag-iiyakan kami dito.

"Mahal din kitaa." Sagot ko.

Nananaginip na ba ako? Nakatulog ba ako kanina?

"Ayoko lang na masira ang reputasyon mo sa school. Di tanggap ng lahat yung ganitong relasyon. Baka maapektuhan ang pakikitungo ng teachers natin sa'yo." Sabi niya.

"Wala naman akong pakialam dun." Sagot ko.

"May pakialam ako kasi gusto kong makita ang mahal ko na maabot ang gusto niyang gawin." Sagot niya.

"Mahal mo?" Tanong ko.

"Sorry kung hindi ganoon kabongga, gaya kanina pero.." Sabi niya at may inilabas siya.

Singsing.

"Alex, mahal kita pero kailangan pa natin ng panahon na maging handa na harapin ang mga tao. Handa ka na ba? Wag mong sabihin na wala kang pake kasi magkaiba yung dalawang yun. Babatukan kita" Sabi niya.

Halatang kinakabahan ka ah.

"Sa atin munang dalawa ang relasyon na 'to. Kasi ayoko na may nakikisingit na tao para siraan tayo. Sorry kung makasarili ako mga desisyon na 'to. Balang araw,kapag nakagawa na tayo ng sarili nating mga pangalan, magiging malaya tayo." Dagdag niya.

"Di ko ineexpect May na ganyan na po pala ang iniisip mo. Talo mo ako. Pasensya dahil nagpadala ako sa damdamin ko. Naiintindihan ko na."

Sabi ko.

"Kaya Alex?"

"Oh?" Sabi ko.

"Miss, can you be mine?" Tanong niya.

"Gaya gaya. Bastedin kaya din po kita."

"Loko ka ah." Sabi niya. Ginulo niya yung buhok ko.

"So tayo na?" Tanong ko. Ngumiti lang siya.

"Di mo pa nga ako sinasagot eh." Sabi niya.

Hinawakan ko ang batok niya.

Nilapit ko ang mukha kanya.

"Yes, I'll be yours" bulong ko.

Pinikit niya ang mga mata niya.

At hinalikan niya ako.

Hinalikan ko din siya.

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon