Chapter 14

568 12 0
                                    

ALEX

Tok tok*

"Coach?"
Nasaan kaya yun?

Binuksan ko yung pinto gamit yung susi.

Nakita ko na may nakahigang tao dun.

"Gabby!" Tinawag ko siya.

"Oh." Bumangon at umupo siya. "Bakit nandito ka Rose?"

"Anong ginawa mo sa kanya?" Di ko sinagot yung tanong niya.

"Sinong "kanya"?" Nagtataka pa siya.

"Si May!" Sagot ko.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Siya ang kumausap sa akin." Paliwanag niya.

Tinitigan ko si Gabby.

"Eh, bakit siya umiyak?"

"Di ko alam. Tanungin mo sya."

Umupo ako sa tabi niya.

"..." Tahimik lang kaming dalawa. Gusto kong magalit pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
Ano bang nangyari sa inyo?

Tumayo si Gabby. At umupo siya sa harapan ko.

"Rose, handa ka na ba?" Tinanong niya ako.

"Oo, handang-handa na ako para sa Sabado."

"Hindi, tungkol sa laro. Sa mga sasabihin ng tao sa kasarian natin. Ako kasi hindi pa." Sabi niya. Bakit mo naiisip yan ngayon?

"Oi. Bakit ang seryoso ng usapan natin Gab? Hehe. Nagpapakasenti ka ah." Ayokong nakikita kang malungkot. Parang kapatid na kita.

"Wala lang. Gusto ko kasi magpakatotoo kaso natatakot pa ako. Ikaw ba?" Tinanong niya ulit ako.

"Medyo, siguro.. Ewan. Di ko pa naiisip yan. Gusto ko ang ginagalaw ko ngayon. Kaso lang.."

"Kaso?"

"Di ko rin masabi ang nararamdaman ko sa taong mahal ko." Dugtong ko.

"Sa tingin mo ba, masasabi mo kung lalaki ka?" Tanong niya.

"Siguro. O baka hindi, torpe lang talaga ako." Sagot ko. Di ko alam, natatakot lang talaga ako na malaman niya.

"Kitams, di yan sa kasarian. Umamin ka na sa kanya." Sinusuportahan na ako ni Gab. Aamin na ba ako?

"At saka Rose.."

"Ano yung Gabby?"

"Aaminin ko sa'yo ngayon na gusto kita Rose :)" umamin si Gab. Umamin siya. Kahit na..

"Gabby.." Yan na lang ang nasabi ko.

"Oo, alam ko na may gusto kang iba. Ang gusto ko lang na malaman mo. Ok lang ako." Nagpaliwanag siya.

"Pasensya na.." kahit alam ko na nasaktan kita.

"Wag kang humingi ng sorry. Ayoko lang na iregret na hindi ko nasabi sa'yo. Ayokong pagsisihan na hindi ako nagtake ng chance." Sabi niya. Ang tapang mo talaga Gabby.

"... Salamat Gabby" ngumiti ako sa kanya.

"O, sya.. " ipinatong niya yung kamay niya sa balikat ko. "Umamin na ako sa'yo ah." Tapos niyakap niya ako. "Kaya aminin mo na sa kanya ang nararamdaman kahit ano mang mangyari at maghanda ka na." Bulong niya. Naramdaman ko ang paghigpit sa yakap niya.

"Sige, Gabby. Binigyan mo ako ng lakas ng loob." Sabi ko. Umalis na ako sa yakap niya. Alam kong nasasaktan kita.

Umalis na ako at sumilip pa ako ng isang tingin kay Gab.

Halatang tinatago niya ang lungkot.

Ako pala.

Ako pala ang dahilan.

At ngayon, dapat tapusin ko na ang dapat tapusin.

GAB

Pumunta ako sa locker room. Humarap sa salamin.

"At dun natapos ang one sided love story ko." Sabi ko sa sarili ko.

Masakit man malaman pero mas gumaan ang pakiramdam ko na inamin ko sa kanya.

"Kailangan mag-move on, te." Pinilit ko na lang ngumiti.

Riiiiing!

Tumawag si Rose.

"Bakit Rose?"

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon