MAY
Buti okay na ulit kami ni Alex. Okay naman talaga kami pero masyado kasi kaming nag-iisip eh.
"Alex, tara. Baba na tayo." inaya ko siyang kumain.
"Sige po, Ma. Wait lang. Kausapin ko lang yung mga kagrupo ko sa project."
"Sige. :)" Sagot ko, hinintay ko lang siya. Mahirap maging honor student noh. Sa'yo lahat nakaasa, di ba?
Ang bait niya pa sa mga kagrupo niya.
Lagi kaming magkasabay kumain ni Alex pero..
"Ms. Go." tinawag siya ni Sir Nicholas. "I need the papers these afternoon." dagdag pa ni Sir.
"O-ok Sir." sabi ni Alex.
Di maiiwasang may gagawin ka na naman. Ayan may gagawin ka na naman. Pero kahit ganun man...
"Ano yung hinihingi niya?" tinanong ko siya. "Ah, hinihingi niya lang yung proposal ng council." Mukhang nangongoblema siya. Sana makatulong ako sa'yo.
"So, hindi mo ba ako sasabayan ngayon?" tanong ko. Alam kong makasarili kung sasabihin ko na sumabay pa rin siya sa akin.
"Anong konek nun sa ipapasa kong papers?"
"Ha? Di ba, aayusin mo na yung papers?"
Inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat ko at tinitigan niya
ako sa mata. "Kung papapiliin man ako. E di syempre ikaw." sabi niya.
At niyakap niya ako.
"Napaka caring mo talaga." Sabi niya. "I love you Ma."
May panahon ka lagi sa akin. Mas inuuna mo ako kaysa diyan. :))
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sana hindi ka magbago.
"I love you too, Nak."
Niyakap niya ulit ako. Medyo pinipiga niya ako.
"Ang lambot mo talaga Ma. Patuloy pa rin silang dumadami."
"Alin?"
"Itago na lang natin sa pangalang Taba." sinabi niya yan, gamit ang pinakainosete niyang pagmumukha.
Taba...
Tabaaa..
Nag-echo sa akin yung sinabi niya.
Oh. My ego is huuuurt!
"Ha! Ang kapal ng mukha mo! Ang yabang mo!" Hinampas-hampas ko siya.
"Hahahaha. Sorry na." tumawa pa talaga siya. Hala, masochista pala yung loko-loko.
"Ha-ha. Sige. Tawa pa. Napakasincere ng sorry mo ah."
Niyakap niya uli ako galing sa likod. Hinalikan niya yung ulo ko at ginulo pagkatapos.
"Sorry na talaga. Di ka naman mabiro."
"... :""> "
Ano ba yan?!
Sa yakap mo lang, napapakalma mo na ako.
Dayaaaaaaa! >.<
ALEX
Lunch break namin, kasabay ko lagi si May. Kahit maraming ginagawa, siya ang first priority ko. Tindi ng tama ko sa kanya noh. haha. Ganoon talaga.
May favorite tambayan kami, yung storage room na may balcony. Maliit lang yung room pero ang kinagustuhan namin dun yung malawak na balcony. Maganda kasi ang view dun. May lumang sofa sa tabi. Dito kami kadalasang kumakain at tumatambay ni May. Secret hideout namin kumbaga.
"Ibuka mo pa." - May
"Wait lang. Ang laki naman kasi eh." -Ako
"Ok lang yan. Kasya naman eh. Ipapasok ko na ah." - May
"Sige na nga....Ahhhh.. uhmmm..." -Ako
"Tubig tubig. Di ako makahinga." grabeeeee. Sabi ko na nga ba mabubulunan ako eh.
"Hahahahaha. Magtapaba ka. Be fat! Be faaaaaaat! Hahahahaha." Inabutan niya ako ng tubig habang tumatawa. As in tawa kung tawa. Labas gilagid. Halatang galit pa rin sa sinabi ko. Makarma ka sana.haha. joke lang. loves kita eh.
"Tinawanan mo pa ako. Nabulunan na nga. Ang laki naman kasi ng sinubo mo." Sinasabi ko habang nakatingin ako sa laptop.
"Kasi ginagawa kitang baboy eh."
"Ah ganun ba." Yun lang nasabi ko kasi medyo nagpraproccess yung isip ko dun sa tinatype ko sa laptop.
"Masyado ka kasing busy diyan eh. Kanina ka pa diyan sa laptop mo." dagdag niya. Nakapamewang siya nung sinabi niya yun.
"So.. nagseselos ka sa laptop?" tinanong ko siya.. Nakatingin pa rin ako sa laptop.
Bigla niyang sinara niya yung laptop ko.
"Oo!" sagot niya. Seryoso ba yang sinasabi mo? o pinapaasa mo lang ako?
"Magsama kayo ng laptop mo! Hahahaha. Joke." biro niya. joke joke ka pa diyan. Alam ko namang full meant yun eh.
Itinabi ko yung laptop ko. "Sorry" at niyakap ko siya. "Matapos ko lang ito sayong-sayo na ako. Binulong ko sa tenga niya.. Loko. Ang cheesy ko noh.
"Gusto ko akin na akin ka. haha. joke!" sabi niya. Huh? Ako rin. Kung pwede nga lang eh. Pero di ito joke.
Kasi sayong sayo na ako.
Matagal na.
Tumingin ako sa relo ko.
3.... 2.... 1..... 0....
Krrrrrrrrrrrr....
"Matagal na kaya akong sayong sayo kasi mahal na mahal kita."
rrrrrrrrrrrrrrrrrring!
Nagring na yung bell namin tapos na ang break. Gusto kong sabihin sa'yo pero ayaw kong maring mo. Takot ako.
"Huh? Ano yung sinabi mo? Di ko narinig dahil sa bell eh." Tanong niya sa akin.
"Wala." Ngumiti lang ako sa kanya. "Maganda ka sana, chubby ka lang."
"Aha! namumuro na itong batang ito sa akin ah. "
Kiniliti niya ako at gumawa tuloy ao ng mga wierd na tunog.
"Ahihihi! Huehuehue. Ma, tama na! May klase pa tayo!"
Hayy. Kailan ba ako makakatakas sa bilangguan na gawa ng pagmamahal ko sa'yo?
Lifetime sentence yata ito eh!
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
RomanceBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...