Chapter 4

778 23 2
                                    

ALEX

Naglalakad lang ako papunta sa school kasi malapit lang naman ang pinakamamahal kong highschool, Sto. Rosario Academy o SRA for short.

Nakangiting nag-aabang sa akin sa may gate nila si May. "Good morning".

Tumingin ako sa kanya. "Good Morning Ma." Nakangiti rin akong bumati sa kanya.

Ganito kami araw-araw. Sabay sa pagpasok pati sa paguwi kasi malapit lang ang bahay nila sa amin. Parang kami noh. Hayy. Alex, wag kang mangarap!

Tinignan ko siya, mukhang may gustong sabihin ito ah.

Tinitigan ko siya sa mata at ngumiti. Alam niya yung gusto kong sabihin kahit wala akong sabihin. Sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin.

Nagsalita na siya, "Bakit nauna kang umuwi kahapon?" Tanong ni May sa akin.

Yun lang pala yung tanong niya. Akala ko kung ano na. "Kasi masama po ang pakiramdam ko." sagot ko. Oo, Ang sama talaga. Ang sakit ng dibdib ko.

Medyo nagtataka yung itsura niya. "Dapat tinawag mo ako." sabi niya. Parang may tampo yung tono niya. Paano kita tatawagin? Kasama mo yung kumag na yun.

"Okey lang po ako. Saka ayaw na po kitang abalahin." Kasi ang saya saya mo nung kausap mo siya. Baka istorbo pa ako.

"Istorbohin? Saan?" tanong niya.

"Wala." Ayokong sabihin sayo. Wag kang magpatay bata diyan.

"Yan na naman yung wala mo. Yung tungkol kay Anthony ba yan ah?" dumikit siya sa akin. Oh, alam mo naman pala eh.

"Oo. Ang saya ng kwentuhan niyo kahapon eh." tumingin ako sa malayo tapos niyakap niya yung braso ko. "Nagseselos ka ba? hehe." Ako?! ... Magseselos?.... Aba naman, syempre!

"Hmm-hmmm. Baka kasi mamaya, siya na yung kasabay mo sa pagpasok at hindi na ako." Tumingin ako sa mga mata niya. Inalis niya yung tingin niya sa mata ko. Nahiya ka pa yata ah.

"Hindi yun mangyayari. Promise." tapos itinaas niya yung daliri niya. "Promise." Pinky promise. Para kaming bata.

Todo ngiti siya at nakahawak talaga siya sa braso ko. "Bakit ngumungiti ka dyan? Kinakabahan ako sa'yo."sabi ko.

"Wala. Medyo natuwa lang ako nung sinabi mo na nagselos ka. hehe." Sabi niya. Ang sadista mo palang tao...

"Oo, kinikilig ako kapag nakikita ko siya kaso crush lang yun. Saka pala may iba na akong gusto ngayon. Di na siya ;)" sabi niya habang kinindatan niya ako. Huh? May bago ka na naman. Hindi ka na nadala. "Kaya basted sa akin kahapon si Anthony." dagdag niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Mixed emotions.

"Sino naman po yan?" Tanong ko. Hayy.. Sino na naman ang kinababaliwan ng babaeng ito.

"Secret." sabi niya. "Hulaan mo." dagdag pa niya.

"Daya." first time mo lang mag secret sa akin.

"Ikaw nga madaya diyan. Di ko alam kung sinong gusto mo." "Mi lovelife mo wala akong balita." nakapuppy face pa siya. Ang cute. Cuteness overload!

"Eh wala naman po akong ikwe kwento eh." Siguro kung meron, puro ikaw. Kasi sa'yo lang ako na fall ng ganito.

"Booooooring! Hangga't hindi ka nagkwekwento. Di ko sasabihin. Bahala ka diyan!" binitawan niya ako at nagmadali.

Ehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh..

Paano ko sasabihin? Ayokong mawala ka sa akin. Straight ka kasi eh. Straight na straight.

Masaya na ako na kasama kita.

Ayos na yun, kahit kaibigan lang.

MAY

Nagmadali ako sa paglalakad.

Hayyy. Bakit ba ako nagtampo? Bakit ko ba gustong malaman kung sino ang gustong malaman ang taong gusto mo?

May gusto ba akong marinig?

Pero patuloy lang ako sa paglalakad.

"Ma!" Tinawag ako ni Alex at hinabol niya ako.

Binilisan ko pa yung lakad ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.

Pero nahabol din agad ako ni Alex. Malamang, anong ibubuga ng lampang ako sa athletic na siya? Wala.

"Ma, wag ka nang magtampo. Wala naman talaga akong makekwento sa iyo eh." Hinawakan niya yung braso ko pero tinanggal ko. Oo na, alam ko nagpapakachildish ako.

"..." Di ko alam kung anong mararamdaman sa sinabi niya.

"Pero...." Napatigil si Alex. Halatang nagdadalawang isip pa.

"Pero kung may taong pinakagusto ko ngayon, syempree.." Napatigi uli siya. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Sabi ko na nga ba eh, lumalovelife ka na eh.

Tumingin siya kana't kaliwa. Lumapit sa akin. At may ibinulong.

Di ko maiwasang ngumiti. Dahil ba yun ba yung inaasahan kong sagot?

Namula lang siya sa harap ko at tahimik lang kaming naglakad papuntang school.

Medyo awkward yung mood pero inabot ko yung kamay niya.

"O.o ...... :)" Medyo nabigla siya at di man siya nagsalita pero ngumiti siya sa akin. Nakakatunaw talaga yung mga ngiti mo.

"... :D" Ngumiti lang din ako sa kanya.

At nagpatuloy sa paglalakad.

Pero sa katahimikang ito, alam mo ba yung paulit-ulit na bumubulong sa tenga ko?

.

.

.

"Syempre, ikaw lang Ma."

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon