Miss, Naghahanap ka ng...
Matalino. check.
Sikat. check.
Sporty. check.
Mabait. check!
Caring. check!
Understanding. check!
Di naman sa pagbubuhat ng sala set. Kung iisipin nasa akin na lahat ng hinahanap mo.
Naghahanap ka ba ng magmamahal sa'yo? Seseryoso sa'yo? Yung taong magbabalik ng pagmamahal mo at magmamahal ng tunay sa'yo?
Lingon ka lang sa tabi mo.
May naghihintay.....
Ayun....
Ako.
Pero bakit ganoon ang tadhana?
Kahit lamang na ako sa lahat ng bagay. Bakit mas lamang pa sa akin ang pinakawalang kwentang lalaki sa'yo? Bakit may pag-asa pa kaysa sa akin?
Oo na. Wag mo nang sagutin. Alam ko naman. Alam na alam ko.
Pero ang saklap lang. Luging-lugi ako. Wala akong magawa.
Di ko naman masisi ang diyos. Ako naman ang nagpasyang mahalin ka.
Kaya ito. Nagpapaka martyr ba ako? o sadyang nasiraan na akong ulo?
Umaasa kahit alam na walang pag-asa.
Sabihin mo na torpe na ako. Aaminin ko. Oo ako yun. Di ko alam kung natatakot ako na mawala ka kapag sinabi ko o kaya naman ang sasabihin ng tao?
Basta duwag ako. Di ko masabi na mahal na mahal na mahal kita times two times two.
Kasi naman eh. Bakit naman kasi!?
Dahil pareho tayo...
Pareho...
Parehong babae... :"(
Author's note: Sabay sabay ko nang inupload lahat ng chapters ng story na ito para di kayo mabitin. Enjoy reading! Salamat!
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
عاطفيةBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...