MAY
Nakita ko uling magkasama yung dalawa.
Sanay na ako pero bakit ganun?
Nung nakita ko sila sa clinic ang sweet nila.
Tapos sinabi sa akin ni Alex na ako lang mundong ginagalawan niya.
Ano ba ito? Napangiti tuloy ako sa sinabi niyaaa.
Ano ba talaga?
Ano ba itong nararamdaman ko?
Selos? Kaibigan ko siya. Dapat sinusuportahan ko siya.
Paano kung si Gab ying taong gusto niya? Pipigilan ko ba siya?
Hayyyy..
Ewaaaaaan!
Di ko namalayan na inaabangan ko nang dumaan si Gab sa may hallway.
Yan parating na siya.
"Gabriel!" Tinawag ko siya.
"Oh, May?"
GAB
Dumaan ako sa hallway at ang sama ng titig sa akin ni May.
Nakakatakot talaga ng mga babae!
"Gabriel!" Tinawag niya ako ng napakalakas. Ano bang ginawa ko dito?
"Oh, May?" Nakakapagtaka naman na tinawag niya ako. Kapag kasama ko si Alex, di mo naman ako pinapansin eh.
"Anong meron kayo ni Alex?" Tinanong niya habang nakakunot ang kilay niya. Di ko inaasahan yun ah. Bakit mo naman ba natanong?
"Ha? Meron?" Napataas na lang ang kilay ko. Ano bang problema mo?
"Wag ka nang magpaka dead child diyan. Kayo ba?" Tanong niya ulit. Ahhh. Yun pala yun.hehe. Mapagtripan nga.
"Paano nga kung kami nga?" Sagot ko habang nakangisi.
"Ehhh." Nanlaki ang mga mata niya. Parang di makapaniwala. Huli!
"Oo. Girlfriend ko siya." Dagdag ko pa.
"Anoo?" Mas nanlaki pa ang mga mata niya.
Napayuko at...
...Bigla na lang siya umiyak.
Bakas mo yung lungkot niya sa mukha niya. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Kasi naman bakit ayaw niyo pang aminin sa isa't isa eh..
"Oi, wag ka ngang ganyan. Bigla bigla ka na lang umiiyak. Baka dumating si Alex." Tinitigan ko lang siya.
"Ma! oi, bakit?" Kung minamalas nga naman, dumating nga siya.
Niyakap ni Alex si May. Tapos si May, sumandal sa kanya.
Tapos tinitigan ni Alex sa mata si May.
"Gabby, anong ginawa mo?" Tanong sa akin ni Alex.
Tapos mas hinigpitan pa ni Alex yung yakap niya.
Hayy. Wag nga kayong mag PDA sa harap ko! Kainis!
"Wala. May, joke lang yung sinabi ko." tapos nag peace sign ako sa kanya.
"Ehhhhh." Napatingin lang sa akin si May.
"Bakit po Ma?"
"Ah.. eh.. Gabriel!"
Umalis na lang ako. Iniwan ko na lang silang dalawa.
Mangoblema ka dyan.
Ganti ko na yan sa iyo! May, Bahala ka nang mag explain.
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
عاطفيةBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...