Chapter 3

879 19 0
                                    

MAY

Sa Gym

Lunch break namin. Nakakainis. Ngayon lang ako makakanood ng game ni Alex. Bakit pa kasi may klase eh?! Kaasar.

"AleeeEEEEEeEEEEeeeeeeEEEEeeeeex! GoooooooooOOOOOOOOoOoOOoooo!" Nakakabasag eardrum naman ang sigaw ni Ate. Nakakabingi na naman yung mga tilian dito. Ang tindi!

Naglakad pa ako at sumama na sa kumpol ng tao dun sa gym.

"Go. Go. Alex. Go. Go. Go. Alex. Go."

Grabe. G na G! Tindi ng fan's club talaga ng bestfriend at anak-anakan ko.

"27. Go. For three!" Sinigaw nung announcer. Kahit di ko siya nakikita, panay bukambibig ng announcer yung pangalan niya.Grabe! Ang galing talaga ni Alex.

Matalino. Sporty. Maganda.

Siya si Alexandra Rose Go. Go yung apelyido niya. Astig, di ba? Pang cheer talaga.

Sinalo na yata niya ang lahat nung nagsabog ng biyaya ang Diyos. .

Tanda ko kaya ginawa niyang 27 ang number niya dahil friendsary namin. 2 years and 6 months na rin nung naging magkaibigan kami. Bale, friendsary namin ngayon. Ang problema, may laro siya at may klase ako. Hayyy. Buhaayy.

Nakipagsiksikan ako sa mga fan girls niya. Umakyat ako sa elevated flatform. Tapos may nakatama sa akin, Ang sakit nun ah. Bumagsak ako.

"Ayy, sorry. Si May. Si May.." Sabi ng nakatabig sa akin. Pinilit kong tumayo. Naramdamn ko na parang may naipit sa may binti ko. Araaaaaaay!

Tapos ang daming lalaking nagsidatingan para alalayan ako tapos..

"Tabi! Tabi!" may narinig akong familliar na boses. Alex! buti dumating ka na! . Kinuha niya ako sa mga lalaking iyon at binuhat ako papunta sa clinic. Ayokong-ayoko na inaalayan ako.

"Ok ka lang ba?" Pero syempre iba si Alex, siya lang ang may karapatang alalayan ako. Alalang-alala yung mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Oo. Okay lang ako." Yan na lang ang sinabi ko para hindi siya mag-alala. Kaso biglang may nakadanggi uli sa akin. "Araaaay!" Hala. Yan. Nahuli mo ako.

" Kulit. Wag mong pilitin. Lalala lang yan." Sabi niya sa akin. Medyo naiinis yung itsura niya. Ayaw na ayaw niya na nagsisinungaling ako sa kanya.

"Opo." Sabi ko, at napangiti. baligtad kami ngayon ah. Ako ang magalang at siya ang parang nanay. :">

"Ano bang ginagawa mo dun, may klase kayo di ba?" Tanong ni Alex sa akin. Medyo galit siya.hehe. Ang cute sarap pisilin. "Ikaw lang ang nasaktan na nakangiti. Anong iniisip mo dyan?" Dagdag niya tanong. Mas kumunot yung noo niya. Mas napangiti ako.

"Syempre. Nanonood ng game niyo." parang may natandaan ako. Oo nga, may game nga kayo! "Bakit nandito ka, may game ka pa ah." tinitigan ko siya. Nanlalaki ang mata ko.Hala! May game ka pa eh. Okay lang ako!

"Ehhhh. Di na nila ako kailangan. Malaki na ang lamang natin sa kabilang school." Paliwanag niya sa akin. Infairness, ang galing talaga ng anak ko.

"Sinong-- " Pinigilan niya ako. "Shhh. Ok na yun. Wag mong isipin yun." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinimas yung ulo ko. "Okay?" dagdag niya.

"Hmmm..Hmmm.." Oo na. Paano ako makakapagsalita sa ginawa mo? Ang komportable ng pagkakayakap mo sa akin.

"Namiss mo ba ako?" Sinabi niya sa tenga ko. "Huh?" sabi ko. Nabigla ako sa tanong niya ah.

"Wala." Sagot niya. Yan na naman yung wala mo. "Oo na." sinabi ko ng pabulong sa kanya.

"Huh?" Di niya ba narinig o gusto niya lang paulitin yung sinabi ko.

"Sabi ko maganda ka sana, bingi ka lang. hehe." Sarap pagtripan nito.

"Ma. Loko ka pa rin po. Ako rin po. Super na-miss din kita." Naring naman pala eh. Lakas tama.

"Nandito na yung mga admirers mo ah. Sorry sa kanila. Inagaw na kita.hehe" dagdag niya. Lakas tama talaga ito. Buti talaga dumating siya kanina."Pabayaan mo sila." dagdag ko. Di ako komportable sa mga lalaking yun eh.

Sa Clinic

Tok Tok*

"Hello." sumilip ang isang gwapong lalaki. Nag-iba yung iisura ni Alex ng nakita niya si Anthony.

"A-a-anthony." ngumiti ako sa kanya at bumati sa kanya. Nahihiya ako!

"Una na ako ah." Sabi ni Alex. Alex! Wag mo kong iwan dito oh. Di ko alam ang gagawin. Kinikilig ako.

ALEX

Bwisit na Anthony na iyan. Porket nalaman niya na may gusto si May sa kanya nung isang araw. Niligawan agad. Playboy. Tsk! Kilig na kilig naman yung isa! Kainis! Di ko kayang magtagal doon.

"Rose!" napalingon ako. Narinig ko ang napaka-napakafamilliar na boses.

"Gabby, naman oh." ayokong-ayoko na tinatawag na Rose!

Siya si Gabby. Gabriel Santos. Close friend ko kagaya ni May. Matangkad. Maputi. Gwapo. Matalino. Siya ang B-B-F ko. (Boy Bestfriend!) Varsity din. Para kaming conjoint twins kasi lagi kaming magkasama. Eh pareho kasi kami ng mga activities eh. Tropang busy!

"Bakit mukhang badtrip ka? Saka pala, musta si May? Nabalitaan ko nahulog siya sa flatform." Pag-uusisa niya sa akin. "Ayun, kasama niya ang kanyang butihing manliligaw sa clinic." nasabi ko sa sobrang inis na inis na tono.

"Selos ka noh?" Tanong niya sa akin. Huh? Ako magseselos sa kanya? ........ ....... Oo naman!

"Hindi noh" sabi ko. Nagsinungaling pa ako.

"Sa lahat talaga ng tao, ako pa niloko mo ah." Sabi niya ng nakatingin ng napakadoubtful na mata.

Hayy. Super tagal ko na kasing kaibigan si Gabby. Mas matagal pa kay May. Kaya alam niya ang lahat tuwing nagsisinungaling ako, yung facial expression ko, kapag nagugugutom at pati yata sa pag-utot. Kabisado niya na ako.

"OO na. Oo na!" nasasabi ko sa kanya dahil alam niya ang lahat sa akin.

"So iniwan mo na silang dalawa lang dun? ok lang ba yun? Rose." Paalala niya. Oo nga noh! Baka may mangyari ng di ko alam. Loko!

"Sige Gabby. Bye."

"Bye. Goodluck sa kanya."

Nagpaalam na ako kay Gabby. Tapos pumunta ulit ako ng Clinic. Nakita ko sa bintana na ang saya saya ng usapan nina May at Anthony.

Nagclench fist na lang ako at umalis. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Di ko talaga kayang makita silang ganun. Ang sakit.

May karapatan ba akong magselos? Di ba wala, pero bakit ganun? Pwede niyo bang sagutin kung bakit?

Ayokong-ayoko na mapunta siya. Lalong-lalo sa kanya!

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon