Chapter 10

540 13 0
                                    

ALEX

Nung Recess time na ako nakabalik ng room. Ang sakit pa rin ng bukol ko.

Lagot ka talaga sa akin Gab!

"Alex, ok ka na ba?" tanong ng mga kaklase ko sa akin. Pumalibot sila sa akin.

"Ahh. Ok naman. Medyo masakit lang yung bukol.hehe." Ngumiti na lang ako sa kanila.

Nasaan si May? Imposible na hindi niya ako dinalaw sa clinic.

Galit pa ba siya?

"Rose!"

"Yiieeeeeeeeeeee!" naghiwayan naman itong mga ito. Inaasar na naman kami. Porket close, ganyan agad?

"Oh. Ano yun Gab?"

"Wala lang, chi ne check lang kita. Kasi ako ang responsible sa bukol mo." Hinawakan niya yung ulo ko.

"Yieeeeeeeeeee!" kinikilig na naman itong mga ito.

"Oo nga eh.hahaha." nakangiti ako pero humanda ka sa akin mamaya.

"Naghihiyawan na naman sila." sabi niya sa akin. Nananadya na naman tong taong ito eh.

"Lakas tama. Gumagawa ka na naman ng issue." Sabi ko. For short, trip trip lang namin to. Para maitago na lesbian ako at gay siya.

"Sige na. Layas." sabi ko sa kanya.

Pinalayas ko na siya. Ang ingay na sa room eh.

Nasaan na si May?

Palingon lingon ako.

Ayun siya! Nakaupo sa desk niya habang nagbabasa ng libro.

"Ma!" Tinawag ko siya. Di niya ako pinansin. Halaaaa! Ok lang yan, masyado lang yang absorbed sa binabasa niya.

"Oyy. Ma!" Tinawag ko siya ulit. Lumapit na ako sa kanya. Di pa rin niya ako pinansin. Oyyyy. Bakit?

Niyakap ko siya kaso ayun, tinaboy niya ako. Hala! May nagawa na naman ba ako?

"Doon ka na sa Gabby mo." Sabi niya. Ano?! Si Gabby? Anong meron kay Gabby?

"Ahhh? O.O??"

"May sarili na naman kayong mundo pag magkasama kayo." sabi niya. Sariling mundo?

"Di naman ah." Sagot ko. Wala naman talaga.

"Oo kaya. Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong niya.

"Ang alin?" Tanong ko.Lahat naman sinasabi ko. Maliban nga lang sa pagmamahal ko sa'yo.

"Wala.Patay bata ka pa. Bahala ka nga." Binalik niya ang mga mata niya sa pagbabasa.

"Wait lang Ma. Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Ito na naman si ako. Assuming!

"Oo, nagseselos ako." Sabi niya sakin kaso di pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa libro. Ano na naman yan?! Asa mo na naman ako dito!

Tinanggal ko yung libro. Ihinarap ko ang mukha niya sa akin. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Ehhh. Alam mo naman tri trip lang yun eh. Kung may mundo man akong ginagalawan, ikaw lang yun."

Natahimik siya at tumingin siya papalayo sa akin.

"Nandyan na si Ma'am. Bumalik ka na sa upuan mo."

"Ehhhhhh?" Umupo na lang ako. Hayyy... Ano na naman bang ginawa ko?

Teka lang, ako lang ba o namumula talaga siya ngayon?

Ewaaaan!

Miss, can you be mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon