ALEX
Tinititigan ko yung seconds-arm ng relo ko.
Yaaaaaaan...
3.... 2.... 1...... 0......
Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiing!
The sound of salvation!
Natapos na rin ang boring naming Social Studies class!
Gusto ko nung subject kaso lang depende sa pagtuturo kung magiging interesting yung subject.
"Hoy Ms. President, may gagawin ka ba mamaya?" Pagtayo ko pa lang ng upuan. Sumulpot si Rika. Patay na naman ako dito.
Ipapakilala ko si Rika Salvador, mabait iyan kaso mataray, as in super! pero sanay na ako. Normal lang talaga na ganoon ang boses niya eh. Partner ko yan sa klase. Siya yung Vice president kumbaga. Siya ang pumapalit kapag excused ako sa klase.
Kaso kinakabahan ako kasi di ko pa tapos yung ipapasa na class report dahil sa kapapractice ng basketball.
"Alex." Tinawag ako ni May. Voice of salvation!
"Sorry, tawag ako ni Ma. May pupuntahan kami." Gusto ko lang makatakas sa inyo. Gusto ko muna ng pahinga guys.
"Ah eh." Napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti na kang ako kay Rika. Sorry Rika. hehehe.
"Ih. Oh. U" Sagot ni Rika gamit ang napakataray na boses.
"Alam ko naman di mo pa tapos yung class report. Akin na nga!" dagdag pa niya.
"Thank you Rika. Di ko alam ang gagawin ko kapag wala ka." Niyakap ko si Rika, niyakap niya rin ako pero bigla niya akong itinulak.
"Wag ka ngang ganyaa.. este. Oo na! Nambola ka pa! Dun ka na sa nanay mo!" Sigaw niya sa akin. Halaaa. Sorry naaa.
"Sige. Babay na." Sinaluduhan ko siya at nagpalaam.
"Osya sya, babay na. Magpakasaya kayong dalawa." Nagpaalam siya nang hindi nakatingin sa akin.
Nagtungo na ako kay May. Medyo naghihibtay na siya eh.
"Ma, dalhin ko na yan." kinuha ko yung bag niya. Tapos nag holding hands kami. Normal lang naman yun sa makakakaibigan eh. Sa lalaki lang masagwa.
Tinitigan kami ng mga kaklase namin at ngumiti sila sa amin.
"Parang kayo ni May noh. Ang sweet niyong tignan." Niloko pa ako ng isa sa mga kaklase namin. Sana nga eh. Sana...
"Bagay kayo. Yieeeeee." Dagdag pa ng isa. Ano ba yan? Oh, Stop it, youuu. Kinikilig ako. Staaaahhp!
"Loko, tigilan niyo yan. Tara na, Ma." tapos naglakad na kami.
"Hahahaha.." Habang pauwi biglang tumawa si May at tumingin sa kawalan tapos ngumiti. Bakit tumatawa ito ng mag-isa? Baliw ka na ba?
"Bakit tumatawa ka diyan ng mag-isa. Natatakot po ako. You're creeping me out!"Sabi ko, Hahaha. Napa -English pa ako.
Tumingin siya sa akin at ngumiti na para bang may naalala. "Naisip ko lang yung mga sinabi nila." sabi niya. Ano kaya yun? "Alin?" sabi ko.
"Na bagay tayo." Sabi niya ng napapangiti at tumingin pababa.
"Ahh. Bakit natatawa ka po?" Nawi-weirdan ka ba? Imposible ba at hindi mo maimagine yung idea na "parang tayo" kaya natatawa ka?
Itinaas yung kamay naming magkaholding hands at nilapit niya sa mukha niya. "Wala lang. Para nga talaga mukhang tayo." Ngiting-ngiti talaga siya. Nabigla ako sa sagot niya. Medyo hindi ko inaasahan yun ah.
Inilapit ko yung kamay namin sa mukha ko at hinalikan ko. Tumingin ako sa mga mata niya. "Ganun ba? Oi, baka naiinlove ka sa akin." nasabi ko yan sa napakamahinahon na boses. Ano ba itong sinabi ko sa'yo? Erase! Wala na nasabi ko na eh. Di porket na tinanggap mo yung binulong ko kanina, naging confident na ako.
Hinatak niya papalayo yung kamay niya at inalayo niya yung mukha niya sa akin. "Hala. Kung lalaki ka. Sigurado nainlove na ako sa'yo." sabi niyaaaaaaaa. Aaaaaarouuuuuuuuuuuch!
Wait lang.. Ako lang ba o namumula yung tenga niya? Di siguro siya sanay na sinasabihan ng ganito.
Hehehe. Mapagtripan nga.
"Paano kung mainlove ako sa'yo?" tanong ko sa kanya na medyo nagbibigay motibo na medyo nagpaparamdam at may intensyon na pagtripan lang siya. Hala. Lakasan na ito ng loob!
"Imposible. Babae ka, di ba?" sagot niya. Strike two! Ouuuuuuuuuch!
Medyo nalungkot ako sa sagot niya. Hindi maiwasang
"Hahaha. Bakit ganyan yung expression mo?" Tanong niya. Natatawa ka pa talaga ah. Sadista!
"Wala." sabi ko. Di ko lang alam kung alam ba ng babaeng ito na may gusto ako sa kanya at pinagtritripan niya lang ako.
"Baka naiinlove ka nga sa akin? hehe." kantyaw niya. Pinagtri tripan talaga ako nito ah. Makaganti nga.
Lumalapit na kami sa bahay niya.
Tumahimik lang ako sa sinabi niya. Nag-iisip kung paano ko masasagot yun kasi inlove na ako sa kanya, dati paaaaa.
Nandito na kami sa harap ng bahay niya. Tumigil ako sa paglalakad.
"Oh, bakit napatigil ka dyan?" tanong niya.
Tinignan ko kung may mga tao. Buti naman wala. Lumapit ako sa kanya. Nilapit ko yung mukha ko sa mukha at tinitigan ko ang mga mata niya. Hinawakan ko yung mukha niya.
"Paano nga kung nainlove na ako sa'yo?" seryoso ang pagkakasabi ko. Inlove na nga ako sa'yo eh. Paano ba yan?
"..." hindi siya nakaimik. Nanlaki ang mga mata niya. O_O. Oh, bakit di ka nakaimik diyan? Ikaw kasi eh. Hahahaha.
"May pag-asa ba ako sa'yo?" dagdag ko at mas nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko na umaasa ako na sagutin mo ng "oo" yung tanong ko? Sana nga. Sana.
Nanlalaki lang yung mata niya at parang naiiyak nga eh.
"Joke lang! hahaha" :D pahabol ko. Yan. Nagantihan na kita!
"O.O! " Naging galit na galit yung mukha niya.
"Tse! Bahala ka sa buhay mo! Di yan magandang biro." Sigaw niya. Tinulak niya ako.Hala. Bakit galit na galit ka? Tumakbo siya at pumasok siya sa bahay nila. Binagsakan niya pa ko ng pinto.
Ganyan ba ang reaksyon mo kapag nalaman mo na mahal kita? Mas natakot tuloy ako...
Jokes are half meant pero yung sinabi ko sa'yo I really mean it. Ganun talaga eh.
BINABASA MO ANG
Miss, can you be mine?
RomanceBakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo? Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko. Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na m...