HINDI sukat akalain ni April na sa simpleng patpat na natagpuan niya sa gitna ng kakahuyan ay magbabago din ang lahat sa buhay niya. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang hiwagang bumabalot dito. Tila isang hiwaga na nangyayari lahat ng nais niya sa bawat kumpas nito. Ngunit, animo'y isang panaginip ng biglang dumating ang isang kagila-gilalas na nilalang at nagpakilalang ito ang tunay na nagma-may ari, at nais na nitong bawiin ang mahiwagang patpat. Ano kaya ang magiging papel ng mahiwang magic wand sa buhay pag-ibig ng dalaga? Mabigyan kaya nito ng katuparan ang kaniyang pinakamimithi?