Prologue
As a friend, I am contented everytime I see my bestfriend happy. She's been through a lot and ending up with the guy she truly loves is enough for me to be happy as well. Sabi ko nga sa kanya, di baleng single ako basta siya masaya na sa asawa niya, masaya na rin ako. Pero dadating ka rin pala sa punto na maghahangad ka ng sarili mong kaligayahan. Mapapaisip ka rin na kung siya may karapatan sumaya, diba dapat ako rin?
"Oh ano? Tititigan mo na lang ba siya buong gabi?" nagulat ako nang tabihan ako ng bestfriend ko sa mesa.
"Wow ka naman bes. Bakit ko naman siya tititigan buong gabi?"
Natawa lang siya saka pumangalumbaba at tumingin sa asawa niya.
"Nung nagkalabuan kami ni Elmo, akala ko hanggang dun na lang lahat. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sa akin. Pero dumating ka. Dumating din si Gino at pinilit niyong magkaayos kaming dalawa."
"Oh tapos? Anong gusto mong mangyari?" tanong ko. Ngumiti lang siya saka tumitig sa akin.
"Do you remember what you told me back then?" she asked. Umiling ako at nagpatuloy siya. "Sabi mo saken, 'Bes, alam ko hiwalay kayo ni Elmo ngayon. You may consider each other as exes but always remember, there are 2 kinds of exes Julie: the ex that you're going to get back and the ex that's worth moving on. Take your pick and choose wisely."
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Yes, I remembered saying that to her when they broke up. But I never really imagined that she would be telling me these.
"So let me say this to you, Maq. There are 2 kinds of exes: the ex that you're going to get back and the ex that's worth moving on. But in your case, he didn't even became yours..." nakita ko sa mga mata niya ang lungkot and I'm not blaming her. Totoo naman kasi eh. Gino never became mine. "But you still have a choice, bes. Hahayaan mo ba na tuluyang mawala si Gino sayo o bibigyan niyo ng pagkakataon na matuloy ang naudlot na relasyon niyo?"
My name is Frencheska Farr and this is how I lost and found my love... Again.