15

794 32 3
                                    

Chapter 15

"W-what?!" gulat na tanong niya saka pa ako pinaharap sa kanya. "What did you say?"

"Ay. Wala ng ulitan. Grabe naman. Nagkakabingihan na tayo dito eh." sabi ko naman. Natawa siya sa inasal ko saka na lang ako niyakap.

"I heard you. But I want you to say it again. Sabi mo nga diba? Masarap pakinggan. And you're right, Cheska. It's like music to my ears."

"Kailan ka pa naging poetic?" asar ko saka ko siya tiningala. Ngumiti lang naman siya sa akin kaya hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at tinitigan siya mata sa mata. "I. Love. You. Gino. Jose. Anong language pa ba gusto mo? Filipino? Mahal kita, Gino. French? Je'taime, Gino. Spanish? Te Amo, Gino. Korean? Saranghae, Gino. Lahat na ng language sa mundo. Mamili ka lang." natatawang sabi ko.

"Hahaha. I'm good with English and Filipino." sabi niya saka ako hinalikan sa noo. "Ang sarap nga talagang pakinggan..." bulong niya pa.

"Music nga kasi sabi mo. Hahahaha." tawa ko. Tumawa rin siya saka hinawi ang buhok ko at ngumiti ng malambing sa akin.

"Thank you." aniya.

"Huh? Para saan?" pagtataka ko naman.

"For saying those words. Thank you kasi napasaya mo ko ng sobra." sabi niya. "Yes you make me happy every single day, love. But today is just too special."

"Aysus. Ang dami namang satsat nito." biro ko saka pa siya kinurot sa tagiliran.

"Hey!" bawal niya sa akin habang pinipigilan ang pangingiliti ko sa kanya. "Cheska stop! Hahahahahahahahahahaha."

"Ang pachics mo kasi eh. Pwede namang sabihin na lang na mahal mo din ako ang dami-dami mo pang pasegway dyan. Hahahahaha."

"Eh kasi nga you have a point. Mas masarap pakinggan." ngisi niya.

"Wala ka talagang originality." irap ko.

"Eh you know very well that I love you naman na. I don't have to say it naman every minute diba? Every action naman is made out of love." sabi niya.

"Whatever." sabi ko.

"But I have a question though." aniya.

"Ano?" tanong ko saka siya tiningala. Tinitigan niya ko ng malaman saka ngumiti uli sa akin.

"Since you said those words already, does this mean... Does this mean tayo na?" tanong niya.

Imbes na sagutin ko siya ay hinalikan ko na lang siya. Yeah right. Wholesome ang image ko but damn I really can't take it anymore. 6 years ang pinalagpas ko dahil lang sa kagagahan at kaduwagan ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero kalaunan naman ay tumugon rin siya sa paghalik sa akin.

"So..." aniya nang maghiwalay kami.

"Yes, Gino." sagot ko. Lumapad ang ngiti niya saka pa ako mabilis na hinalikan at pagkatapos ay niyakap.

"God, I've been waiting for that since forever..." aniya.

"Hey lovebirds, we're going home! Uso umahon." nagulat kami nang biglang sumigaw si Elmo. Paglingon namin ay nakaimpake na sila nila Julie at si Jim ay kumakaway pa sa amin. "Success?" ngisi ni Elmo.

"Fuck you, Magalona!" sabay na sabi namin ni Gino saka pa kami nagtawanan.

"Let's go?" ani Gino. Tumango ako saka na kami umahon. Agad niya akong sinuotan ng t-shirt niya saka pa inakbayan dahil sa malamig na hangin.

"Naks. Kanina parang nagtataray ka pa bes ah." ani Julie nang sumama siya sa akin sa hotel room ko.

"Sanay naman si Gino saken." sagot ko. "Maliligo lang ako wait."

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon