Chapter 7
Nakatambay kami ni Vic dito sa treehouse. Tahimik lang siya habang mahinang nagsstrum ng gitara at ako naman ay nakasalampak sa beanbag habang nagbabasa ng libro.
"Maq..." untag niya.
"Victoria..." sabi ko naman pabalik.
"Kailan dating nila Julie?"
"2 weeks sila sa Brazil. Baka bukas or sa isang araw andito na sila. Bakit?" tanong ko.
"Wala. Mema lang." pigil-tawang sabi niya.
"Peste ka." irap ko.
"Eh ang tahimik kasi natin! Hahaha. Di lang ako sanay." aniya.
"Busy ako magbasa. Wag kang epal." sabi ko naman.
"Tss. Utot mo. Busy magbasa o umiiwas ka lang na mapag-usapan siya?"
"Ikaw ang nag-oopen ng topic, Victoria. Hindi ako."
"Alam ko di ako tanga." aniya.
"Tigilan mo." sabi ko at muling nagbasa ng libro.
"Bakit?"
"Basta tigilan mo."
"Maq, nung nagpunta siya dito nung bagong dating tayo, anong nangyari? Ilang araw kang nagkulong sa kwarto mo. Ngayon ka na lang uli lumabas."
"Paki mo. Eh gusto ko magkulong."
"Hindi ka naman kasi ganun eh..." aniya. "May sinabi ba siya? Sinaktan ka ba?"
Natahimik ako saglit saka ko sinara ang libro at umayos ng upo.
"Hindi siya ang nanakit saken. Sarili ko." sabi ko. "Dahil pinipigilan ko ang sarili kong magmahal kahit pa alam kong mahal namin ang isa't isa..."
"Maqui..."
"Nung andito siya? He was actually asking for a second chance. Gusto niyang bigyan namin ng chance tong nararamdaman namin. I admit, Vic. Mahal ko si Gino pero... Pero nauunahan ako ng takot." malungkot na sabi ko. "Natatakot ako na baka kapag nagtagal mawala din lahat... Parang... Parang pang isang araw lang uli..."
"Hey. Thank you ha? For spending time with me on my birthday." ani Gino.
"Wala yun. Friends na tayo eh." sabi ko. Tumingin siya sa watch niya at ngumiti pa.
"I still have 10 minutes as your boyfriend though." aniya. Umirap ako at natawa kami pareho. "Susulitin ko na ha?"
"Oo na. Kawawa ka naman sabihin mo pa pinagkaitan kita ng sampung minuto." sabi ko. Lumapad lalo ang ngisi niya saka siya lumapit saken at hinawakan ako sa mukha.
"I wish we could extend my birthday..." aniya.
"G-Gino..." matamlay siyang ngumiti saka pinagdikit ang noo naming dalawa.
"Five minutes..." bulong niya. "Last five minutes..."
Pumikit na lang ako saka dinama ang presensya niya. Inaamin ko. Kaninang magkasama kami sa La Union, yun na yung pinakamasayang oras ng buhay ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ngayon ko lang naramdaman yung may ibang taong nagpapakita ng special attention sa akin. He made me feel special. At ewan ko kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nagkakalapit kami.
"I have a competition tomorrow. Kami ng team ang kasali. We'll be representing our school. I uh... I hope you could come." sabi niya nang humiwalay na siya sa akin. "It's 11:59, Cheska. I have to go."
"Yeah. Uhm... Happy Birthday uli." sabi ko. Mabilis niya kong hinalikan sa noo saka pa hinawakan ang kamay ko.
"This is the best birthday I've had. Thank you. And I hope to see you tomorrow." aniya.