10

764 37 0
                                    

Chapter 10

"Bakit mo pa ko isasama sa studio?" tanong ko nang matapos kaming kumain. "Wala naman akong gagawin dun eh."

"I just want you to be there." kibit-balikat niya.

"Ang clingy naman." kunyaring inis na sabi ko. Narinig ko lang siyang tumawa. "Tinatawa mo?"

"Wala. Ang taray mo nanaman kasi." aniya.

"Eh masanay ka na. Ganito talaga ako." irap ko.

"Sabi ko nga eh." sang-ayon niya.

Tahimik na uli kami habang nagmamaneho siya pabalik sa studio niya. Okay lang naman saken na isama niya ko dun. Andun naman si kuya kaya di ako masyadong OP. Pero eh! Yung mga ganitong moment di pa ko sanay sa ganito. Taena ang arte ko lang diba?

"We're here!" masiglang sabi niya saka na inalis ang seatbelt ko. "Tara sa loob."

Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya at pagkatapos ay inalalayan na makababa. Naglakad kami papasok sa studio nila at bumungad sa akin ang mga busy na tao.

"Jim, yung reflector please." utos ni Kuya Earl sa isang assistant photographer.

"Wait bossing!" sabi naman ni Jim. Mabilis niyang kinuha ang reflector sa isang tabi saka patakbong lumapit kay kuya na abala sa pagkuha ng shots sa isang grupo.

"Hey guys." bati ni Gino.

"What's up, man!" bati naman ni Elmo saka pa nag-angat ng tingin mula sa computer niya. "Farr!!"

Napalingon sina kuya at Jim at lumapad ang ngiti ni kuya pagkakita sa akin.

"Marie Frencheska Mae!!! Namiss ka ni kuya!" bulalas niya saka pa tumakbo palapit sa akin.

"Kuya nakakahiya ka kahit kailan." inis na sabi ko.

"Bakit? Bawal na ba mamiss ang kapatid ko?"

"Hindi pero bawal yung sabihin yung buong pangalan ko. Jusmiyo ka naman kuya oh." kamot-ulong sambit ko.

"Grabe ka naman, bunso. Minsan ka lang lambingin ni kuya ganyan ka pa." kunyaring tampo niya.

"Ang drama mo." sabi ko. Tumawa naman siya saka pa ginulo ang buhok ko. "Ano ba!"

"Hahaha. Miss ka na ng Ate Shane mo tsaka ni Garret. Uso pumunta sa bahay, bunso."

"Busy ako." sabi ko saka umupo sa couch.

"We'll drop by this weekend, Earl. Don't listen to Cheska." sabi ni Gino.

"Wow. Makapagdecide ka ah!" singhal ko.

"Tsk. Kaya boto ako dito kay Gino eh. Sige dude. Sasabihan ko si misis para makapagluto." tango ni kuya saka na nagbalik sa ginagawa niya. "Hoy Jim yung reflector hawakan mo. Lumapit lang ako sa kapatid ko nakahanap ka naman ng free time maglumandi diyan sa nililigawan mo."

"Heto na nga bossing." natatawang sabi naman ni Jim.

"What's up, Farr?" ani Elmo.

"Um... The ceiling?" sagot ko. Nagtawanan sila ni Gino at saka nag-apir pa.

"Grabe talaga yang girlfriend mo, man. Never na ata akong kinausap ng matino."

"That's the thing about her, dude. Kaya nga nainlove ako diyan eh." sagot naman ni Gino.

"Ooooh! Cheesy nigga!" sabay-sabay na bulalas nina Elmo, kuya at Jim. Feeling ko dinala ako ni Gino dito para mapagtripan nilang apat eh. Sapakin ko kaya mga to?!

"Uwi na ko. Nagkakagaguhan na lang tayo dito eh." sabi ko at akmang tatayo nang mabilis na lumapit sa akin si Gino at pinigilan ako.

"Cheska naman di mabiro."

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon