8

739 29 4
                                    

Chapter 8

Nakakabinging katahimikan. Nakakailang na katahimikan. Jusme. Hindi ko alam bakit andito nanaman siya. Ramdam ko yung mga titig niya sa akin pero hindi ko magawang tumitig sa kanya. Pero shit. Natutunaw nanaman ako. Di naman ako ice cream diba? Bakit natutunaw ako sa mga titig niya?

Napapitlag ako nang marinig ko ang pagsinghap niya at pagkatapos nun ay nakaupo na siya sa tabi ko.

"This has got to end Cheska. Ayoko na."

"H-huh?" pagtataka ko.

"Ayoko na ng ganitong set-up. Just tell me honestly. Mahal mo ba ko o hindi?" tanong niya.

"M-mahal..." nanlilit na sambit ko.

"Then what's there to be scared about? Wala naman diba? You love me and I love you. Wala naman mali dun."

"P-pero..."

"Natatakot ka ba na kapag nagtagal mawala ako sayo?" marahan akong tumango at natawa naman siya. "I can't do that you know. I won't." aniya.

"Pero kasi..."

"Naalala mo nung grad ball? The night I was supposed to propose to you?"

Puno na ang gymnasium ng mga tao. Medyo late kami nila Julie dahil nahirapan kaming kumuha ng taxi mula sa bahay. Simula kasi nang matapos ang exams ay umalis na kami sa dorm kaya heto. Pahirapan sa pagccommute. Wala kaming mga date na tatlo. Mas pinili namin ang pagpunta ng solo dahil mas mag-eenjoy kami. At isa pa, hindi naman na ko kinakausap ni Gino...

"Oh. My. God." ani Vic nang makarating kami sa may pinto papasok ng gym.

"Look at her butt?" pigil tawa ni Julie.

"Gago ka Jules." irap naman sa kanya ni Vic. "Tignan niyo kasi!" aniya.

Sabay kaming tumingin ni Julie sa loob at napaawang na rin ang bibig namin. Ang ganda naman ng gym!

"Ang galing nila Celine no? Nag-iba talaga itsura nitong gym. Tamo oh." kumento ni Vic. Tumango kami saka na naglakad papunta sa isang bakanteng table malapit sa stage.

"May banda daw ata mamaya eh." sabi naman ni Julie. "Pero ang alam ko kasi, naghire sila Celine ng planner eh. Kasi diba may kapatid siya na nagttrabaho sa ganyang business. Kaya yun."

"Ah talaga? Kaya pala eh." sabi ko. "Teka. May banda? Shit! Sana Maroon 5!"

Agad naman akong nabatukan ng dalawang kasama ko. Medyo mahirap pala umupo sa gitna. Sa akin lahat napupunta reactions nila.

"Maroon 5 nanaman? Baka afford ng school, Maq." ani Julie.

"Bawal mangarap, Julie Anne?" sarkastikong tanong ko.

"Hindi naman. Pero let's be realistic lang. Hindi afford ng school ang TF nila. Parokya Ni Edgar nga mamumulubi pa sila eh. Pano pa kung international diba?" aniya.

"True. Pero ang alam ko kasi, UDD ata yung banda eh." sabi ni Vic.

"Seryoso?!" sabay na sabi namin ni Julie.

"Shet! Favorite band ko din yan!" tili ko pa. "Oh my god. Sana sila talaga. Shit. Shit. Shit."

"Okay. Fangirl moment on na ang babaita." sabi ni Vic saka pa natawa. "Pero may isa pa kong napansin eh." aniya.

"Ano?" pagtataka ni Julie.

"Parang Maqui vibe yung school eh." sabi ni Vic.

Nilibot namin ni Julie ang tingin sa kabuuan ng gym. Puro green metallic balloons ang nakafloat sa ceiling. Tapos ay may white balloons namang nakakalat sa floor. Sa isang banda ay ang photobooth na mala-Instagram ang style. Ang mga pagkain naman ay halos mga paborito ko.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon