11

726 33 1
                                    

Chapter 11

"So? What did you guys do at his office? Kayo ha? I was just gone for 2 weeks tapos ang sneaky niyo na agad?!" mapang-asar na sabi ni Julie.

Andito kaming dalawa sa condo nila ni Elmo. Iniwan na namin sila Gino sa baba since we both got bored. Kaya heto. Nag-aabala kaming dalawa na magluto ng dinner para sa lahat.

"Julie Anne San Jose Magalona, simula nung naging jowa mo yang si Elmo nilumot na yang utak mo no?! Wala ba kayong ibang ginawa kundi mag--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang pasakan niya ko ng pasta sa bibig. Gago talaga tong babaeng to! Wala man lang kasamang sauce! Life's unfair!

"Bunganga mo ha!" aniya. "I was just curious, Maq. Iba na kasi kayo ni Gins kumilos. Kayo na?"

"De ah. Nananaginip ka?"

"Pwede. Libre naman eh." aniya. "Pero come on, Maq! Uso kaya sagutin na si Gino. 6 years Frencheska Mae! Di pa ba enough yun?!"

"Julie, matagal siyang nawala okay? Technically, 3 years pa lang kaming super magkakilala. The other half, wala kami sa buhay ng isa't isa."

"You were there pero parehas kayong in denial dahil parehas kayong nasaktan. Let's stick to reality, bes. Magfocus kayo dun sa ngayon. Okay na kayo diba? Everything's clear. So why prolong the agony? Bakit kailangan patagalin pa when in fact pwede niyo na nga idiretso sa simbahan yan!"

"Frustrated?" pigil-tawang tanong ko.

"Sobra! Kainis ka eh!"

"Bakit ako?!"

"Ang pakipot mo leche!" reklamo niya.

"Bes, sinusulit ko lang yung ganito. Gaga ka ba? Pinagkait saken tong ganitong klase ng moments kaya ngayon ko pa lang nanamnamin. Kumbaga, late-bloomer yung relationship namin."

"Nyeta." irap niya.

"Oh! Iirap nanaman! Julie Anne may hawak akong kutsara oh! Madaling dukutin yang matang yan!"

"Heh!" aniya. "Pero back to regular programming tayo. What did you guys do at his office?"

Napahinto ako sa ginagawa saka napangiti. Naalala ko yung video. Yung birthday surprise niya saken back in college. Yung balloons... The birthday greetings... Tsaka si Kushy...

"You remember Kushy?" tanong ko.

"Kushy? Teka..." nag-isip siya saglit saka napangisi. "Yung stuffed toy na binigay niya sayo nung birthday mo? Diba inayawan mo yun?"

"Uh-huh." tango ko.

"Oh. Anmeron kay Kushy? Sabi niya tinapon na niya yun eh."

"Nope. Nasa kanya pa rin." sagot ko.

"Weh?"

"Yup! And guess what?"

"What?"

"May nanay na si Kushy. Hahahaha."

"Nanay?!" gulat na tanong niya. "Wait... You mean to say..."

Tumango ako at napatili naman siya saka napalapit sa akin at napayakap.

"Oh my god ka Maq!!! Seryoso?!"

"De bes. Joke lang. Joker ako eh." sarcastic na sabi ko.

"Langya seryoso naman kasi. Pabitin sa momentum oh!"

"Hahaha. Murit! Oo na!"

"Omg, Maq!" tili nanaman niya saka yumakap uli saken. "It's like saying yes already."

"Pumayag lang na iadopt si Kushy, yes na agad?!"

"Maq, Kushy was the stuffed toy he wanted to give you during your birthday. Naalala mo? That was a month before he asks you kung pwede bang manligaw. That was a month before you turned him down. So basically, para mo na ring sinagot si Gino by adopting Kushy."

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon