1

1.4K 41 2
                                    

Chapter 1

Pagod na pagod akong umuwi sa bahay matapos ang kasal ng kaibigan ko. Excited ang gaga dahil honeymoon na nila at sa Rio De Janeiro pa. Regalo ni Tito Juan sa kanila. Langya. Edi wow! Sila na pupuntang Brazil!

Humiga na ako sa kama pagkatapos kong makapagpalit ng damit at makapaghilamos. Grabe. Ang sakit na ng paa ko sa sobrang taas nung heels na suot ko kanina. Inasar pa ko ng lecheng bestfriend ko na ang tangkad ko na daw, nagsusuot pa ko nun. Eh gaga siya. Wag siyang pakielamera at kanya-kanyang trip to! Isama mo pa yung moment namin kanina. Nako. Bakit ba nakalaklak ng Memory Plus yun?! Paka-sharp ng memory...

"Hay. Choose wisely. Tangina bakit ba kasi sinabi ko pa dati yun?" nagsisising sambit ko. "Psh. Pakyu ka talaga bes." dagdag ko saka na natulog.

Maaga nanaman akong papasok ngayon. Jusme. Sino bang Hudas ang nagpauso na may subject sa umaga? Iharap niyo saken at papatayin ko! Mabuti pa tong bestfriend ko. Mamaya pa ang pasok. Gaga din kasi to eh. Sabi ko sabay kaming kukuha ng Economics. Aba ang gaga nagsummer ng Economics! Some friend talaga tong hinayupak na to.

"Julie Anne, alis na ko." paalam ko sa kanya.

"Oo. Wag ka maingay, Maq nananaginip ako."

"Hupyak ka! Kitakits na lang mamayang 12:30 sa cafeteria."

"Oo na. Umalis ka na Frencheska Farr." antok na sambit niya. Sinipa ko muna siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Narinig ko siyang nagmura pero di ko na pinansin.

Bumaba na ko sa dorm namin at nadatnan ang ibang mga dormmates namin na naghahanda na rin sa pagpasok.

"Good morning, Maq. Aga ah." sabi ng isang boarder na si Hazel.

"Oo. Econ subject."

"Kay Atty. Perez?" tanong niya. Tumango ako at natawa siya. "Malas mo sa section. Siya pa talaga?"

"Sinabi mo pa. Jusko. Daig pa ibon sa pagkaaga eh. Hahaha. Sige, Zel. Una na ko." paalam ko. Tumango siya kaya umalis na ko ng dorm.

Tawid lang naman ng dorm namin yung school. Kaya kahit na magpapetiks ako sa paglalakad keri lang. On-time pa din akong dadating sa klase ni Atty. Perez.

"Hi, Maq!" bati sa akin ng ilang kakilala.

"Uy!" bati ko naman pabalik saka na pumasok ng room. Pagdating ko dun ay konti pa lang kami. Sabi sa inyo eh. Hudas talaga yang pausong may klase ng umaga eh.

Tumabi ako sa kaibigan kong si Charles. Pagkakita niya saken ay agad lumapad ang ngisi niya.

"Friendshiiip!" tili niya saka bumeso. "My gosh. Malapit na kong madeads ditey dahil sobrang early ko!"

"Eh sino ba kasing nagsabi na agahan mo?" tanong ko. "Tsk. Patingin nga nung assignment mo. Compare ko lang sa gawa ko." utos ko.

"Oh ayan." sabi niya saka inabot sa akin ang research niya. "Nga pala, may nagpapabigay sayo. Dumaan kanina eh." kinikilig na sabi niya pa.

Inalis ko sa pagkakatupi ang papel na inabot niya at binasa ang nakalagay dun.

'I'LL SEE YOU AT THE FIELD. - G.'

"Eeeeeh! Anetch ang sabi day?" tanong ni Charles habang pinipilit dungawin ang note.

"Bakla, akin lang to. Private!" pigil ko naman sa kanya.

"Damot ha? If I know sa field nanaman ang tagpuan. Papagawa na nga akiz ng Lover's Lane over there."

"Eh alam mo na pala nakasulat eh. Bakit tinatanong mo pa?" tanong ko. Ngumisi lang siya sa akin saka mataray na hinampas ang balikat ko.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon