Chapter 2
"B-bes napanaginipan ko siya..." iyak ko. Narinig ko ang pagpapalit niya ng posisyon. Siguro ay umupo siya mula sa pagkakahiga.
"Si Gino? Anong nangyari?" tanong niya.
"Napanaginipan ko y-yung araw na... Yung araw na umamin siya..."
"Maqui..."
"Ang weird lang." sabi ko saka pa natawa. "Kasi sa dinami-dami ng pwedeng mapanaginipan, bakit yun pa diba? Kinokonsensya ba ko dahil alam naman na mahal ko siya pero hindi ko sinunod yung puso ko?"
"Maqui, baka naman kaya mo lang napanaginipan yun dahil iniisip mo siya." aniya.
"Tanginang utak to. Puro Gino na lang ang alam." mura ko saka pa hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.
"Just give him the chance he deserves, Maq. Wag mong pigilan yung sarili mo sa kung anong gusto mo." sabi niya pa. "You love him, he loves you. Why do you have to be scared?"
"Farr, give my boy a chance and let my wife sleep. Istorbo ka." sabi ni Elmo.
"Namo, Elmo. Bestfriend kita?! Makapagsalita ka kala mo close tayo ah." iritang sabi ko. Narinig ko silang tumatawa ni Julie na lalo kong kinapikon. "Pakyu kayong mag-asawa. Porket may happy ever after na kayo ganyan na kayo saken?! Mga walang utang na loob." sabi ko.
"Yun nga eh. You were the reason kung bakit kinasal na kami ni Julie. And as a thank you, tutulungan ka namin with Gino. But you have to do your part. Wag mong pigilan ang sarili mo sa kanya."
"Magalona, magulo nga kasi ang sitwasyon. He's giving me mixed signals kaya di ko alam san ako lulugar. Tsaka teka nga. Kota ka na sa pangaral ah. Tatay ba kita? Pagkakaalam ko bestfriend ko tinawagan ko. Hindi yung asawa niya." sabi ko.
"Hahahaha. Whatever, Farr. Ito na si Julie. But please. Let her sleep. We have an early flight tomorrow." aniya saka na binalik kay Julie ang phone.
"Just follow your heart, bes. Yan sinabi mo saken, yan din sasabihin ko sayo. Kung hindi mo susundin yan, sasaya ka ba?" aniya.
Suminghap ako saka tumango kahit pa alam ko namang di niya ko nakikita.
"Oo na. Sige na. Baka agawin nanaman ng Hudas mong asawa yang phone mo. Matulog ka na." sabi ko.
"Haha. Sorry if I can't stay with you para icomfort ka." she said.
"Okay lang. Sanay naman akong naiiwan." sabi ko.
"Maqui naman eh!" aniya.
"Hahahaha. Just kidding bes. Matulog ka na nga! Ingat kayo bukas ha? Ay! Mamaya pala. Tsaka enjoy kayo." sabi ko.
"Haha. Oo naman bes. At ikaw, mag-iingat ka din. Wag tatanga-tanga ha?" paalala naman niya.
"Ulol. Ge na! Matulog ka na. Good night bes. Love you!" paalam ko.
"Good night." sagot niya saka na natapos ang call.
Kahit paano naman ay nabawasan na yung kabog sa dibdib ko. Salamat na lang talaga at may bestfriend akong kagaya ni Julie.
Nagising ako tanghali kinabukasan. Tumingin ako sa phone ko at nakita ang text mula kay Julie.
Bes:
We'll be leaving for Rio, bes. Mamimiss kita! Hahahaha. Take care ha? Yung sinabi namin ni Moe don't forget. And please please please bes. Follow your heart! I love you! xo
"Follow your heart kuno. Charotera ka bes. Upakan kita eh." sabi ko.
Bumangon na ko saka na naligo at nag-ayos. Uuwi kasi akong Pampanga ngayon. Baka dun na muna ako.