Epilogue
It's been half a year at masaya naman kami ni Gino. Wala namang problema so far. Mabait naman kasi siya. Malambing, maalalahanin, makulit at sobrang napapasaya ako. Wala na nga ata akong ibang hahanapin pa kasi nasa kanya na lahat-lahat eh. Sobra-sobra, nag-uumapaw pa.
Andito ako ngayon kasama ni Julie. Nasa clinic kami kasi check-up niya at busy naman sila Elmo at Gino sa studio kaya nagvolunteer na akong samahan siya. Yes. Julie's pregnant. 4 months na nga eh.
"Ganito pala feeling pag magiging nanay na no?" ani Julie habang naghihintay kaming matawag siya.
"Ano?"
"Yung doble ingat ka tapos hindi na lang sarili mo yung aalagaan mo kasi may buhay na sa loob ng tyan mo." sabi niya sabay hawak sa tyan niyang medyo nakaumbok na.
"Syempre. Bata yan eh. Tsaka matic naman ata yun basta nagbuntis ang babae eno? You feel very responsible. Dahil buhay mo at ng anak mo ang nakasalalay sa bawat kilos mo." sabi ko. Tumango siya saka kami napahagikgik. "Tangina ang awkward natin bes."
"Oo nga eh. Shit lang." sang-ayon niya. "Parang dati puro kagagahan at kalandian lang mga trip natin pag-usapan. Tapos ngayon naman ganito na mga topic natin."
"Oo nga."
"How time flies... Dati parehas tayong takot sa pag-ibig na yan. But look at us now. I'm happily married and a soon-to-be mom at ikaw naman, masaya ka na kay Gino."
"Uh-huh. Nabulunan nga ako sa mga salita kong di ako magjojowa. Hahaha."
"Bwahaha. Apir! Ako din eh. Nahirinan ako bes langya." nagtawanan kaming dalawa habang inaalala ang mga kagagahan namin noon.
Nang matawag na si Julie ay pumasok na kami sa clinic ng doctor niya. Hindi naman matagal ang check-up. Tinanong lang siya kung ano yung mga cravings niya, kung ano pang nararamdaman niyang pagbabago at naghabilin lang si doc ng mga vitamins sa kanya.
Pagkatapos sa clinic ay nagyaya si Julie na kumain sa labas. Eh libre naman niya so pumayag na ko. Isa pa, di na kami gaanong nakakagalang dalawa ngayon dahil ang clingy ni Elmo sa kanya at lagi ko namang kasama si Gino.
"Bes, kaw na umorder ha? Alam mo na gusto ko." ngisi niya.
"Hmp! Pasalamat ka buntis ka eh. Kaya keri lang utusan mo ko. Pero pag ikaw Julie Anne nanganak ha? It's payback time. Hahahaha."
"Grabe!" angal niya. Tinawanan ko lang siya saka na ko umorder.
Nang makabalik ako sa pwesto namin ay nagsimula na kaming kumain ni Julie. Tuwang-tuwa ang gaga sa salad niya. Kala mo di pinapakain sa kanila eh. Ganito ba talaga pag buntis? Pero mas weird ata si Ate Shane nun?
"Bes..."
"Oh?"
"Anong mga pinaglihian mong food?" tanong ko.
"Hm. Gusto ko bes yung lanzones na isasawsaw sa ketchup. Tapos yung fries na isasawsaw sa gravy na may ketchup."
"Yuck! Ano yun kaning baboy?!"
"Gaga! Eh sa yun ang gusto ko eh. Bakit ba? Pero ngayon more on maasim na lang hinahanap ko."
"Parang kinakabahan ako sa magiging itsura ng magiging anak mo." sabi ko sa kanya. Binato niya ko ng tissue saka kami nagtawanan. "Pota. May sarili akong tissue! Wag kang generous!"
"Gaga ka, Maq!" sabi niya. "Ang sama mo sa baby ko."
"De ah. Love ko nga yan eh." sabi ko naman sabay inom ng juice.
"Maiba tayo. You guys ready?" tanong niya.
"Huh?"
"Ugh. Ang slow! I mean, ready na ba kayo for Japan? We'll be leaving in 2 days, Maq. Malapit na birthday ni Harry and Moe wants us all to be there before his birthday."
