Chapter 3
"Ate Maqui! Ate Vic!" sigaw ng kambal nang makita kaming pumasok sa gate. Yumakap sila sa amin ni Vic saka pa humalik sa pisngi namin. "Kanina pa kayo hinihintay ni Ima!" anila.
"Eh andito na nga kami ano pang pinuputok ng butchi niyong dalawa?" pambabara ni Vic sa kanila. Ngumuso ang kambal kaya natawa kami ni Vic.
"Imaaaaaaaa! Andito na kami!" sabay na bulalas namin ni Vic nang makapasok kami sa bahay.
"Oh. Eh bakit ngayon lang kayo?" sabi ni Ima nang makita kami.
"Alam mo naman, ma. Si Maqui mabagal kumilos."
"Wow ka naman Victoria. Ako ba ang driver ng mga taxi ha? Baka matagal dumating." irap ko. Natawa na lang si Ima at ang nurse niya.
"Eh bakit nga pala naisipan niyong umuwi? Ikaw bata ka, may trabaho ka diba?" tanong niya sa akin.
"Bakasyon naman po ng mga bata, ma. Summer kaya." sagot ko naman.
"Ay. Oo nga pala. Ulyanin na talaga ako." iiling-iling na sambit ni Ima.
"Haha. Itong si Victoria ang tanungin mo, ma. May pasok yan eh." sabi ko.
"Hoy! Uso ang leave tanga." sabi naman ni Vic. "Ma, nagfile ako ng leave. Don't cha worry." kindat pa niya kay Ima.
"Ay bahala kayo. Malalaki naman na kayo." ani Ima. "Magpapahinga muna ako ha? Oras na ng siesta."
"Sige po ma." sabay na sabi namin ni Vic.
"Maq..." untag niya.
"Victoria..."
"Psh. Tara sa treehouse. Jam tayo." aniya. Tumango ako saka na kami naglakad papunta sa bakuran.
Umakyat kami sa treehouse at kinuha agad niya ang gitara niyang nakasabit sa dingding nun. Pumwesto naman ako sa beatbox ko at nagsimula na siyang magstrum.
"Alam mo yung Make It To Me?" tanong niya sa akin.
"Onaman. Ano akala mo saken? Bano?" sagot ko.
"Taray natin ngayon, insan ah. Annoying period?"
"De. Annoying brain lang." sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Basta. Tara na. Tugtog na dali." utos ko. Umirap siya saka na nagsimulang magstrum ng gitara. Kumanta na ako matapos ang ikalawang intro niya.
"My mind runs away to you
With a thought I hope you'll see
Can't see where it's wandered to
But I know where it wants to be"Seryoso si Vic sa paggitara at ako nama'y seryoso din sa pagkanta. Isa sa paborito ko to eh. Sam Smith kasi. Naaalala ko si...
"Cheska, you should really listen to Sam Smith. I mean, the man's a genius! Yung album niyang In The Lonely Hour? Wow. Just. Wow, love. Ugh!"
"Gay yun diba?" tanong ko.
"Yeah. But nevertheless, he's still a genius. Halika. I want you to listen to this song." sabi niya saka ako hinatak palapit sa kanya.
Andito nanaman kami sa condo niya para gawin yung final project namin sa Consti.
"Here you go." malambing na sabi niya pagkalagay ng earphone sa isa kong tenga. Sinuot niya sa tenga niya ang isa pa saka na nagscroll sa phone niya.
Nagsimula na ang inro ng kanta at para akong hinehele sa ganda nun. Parang lullaby na ewan.
'My mind runs away to you
With a thought I hope you'll see
Can't see where it's wandered to
But I know where it wants to be'Napapikit ako sa lamig ng boses ni Sam Smith. Pakiramdam ko makakatulog ako sa galing ng pagkakakanta niya.
