9

691 36 1
                                    

Chapter 9

Excited na excited akong pumunta sa coffee shop. Eh pano naman kasi. Kakadating lang kahapon nitong gagitang bestfriend ko at niyaya ako ngayon na magbonding daw. Aba! Tatanggi ba ako? Eh ngayon ko na lang uli makikita yung gagang yun.

"Maqui!!!" tili ni Julie nang namataan namin ang isa't isa.

"Julie Anne!!!" sigaw ko saka na tumakbo sa kanya at yumakap.

"Namiss kita bes." aniya.

"Ako din please. Kamusta?" tanong ko. Umupo kami bago siya nagsalita.

"Ang ganda sa Rio grabe. Nagpunta kami sa beach tapos dun sa Christ the Redeemer. Basta! Grabe talaga Maq. Kung pwede lang wag na umuwi, di na kami uuwi ni Moe eh. Haha."

"Wushoo! If I know may other reason pa yan..." asar ko. Umirap siya saka ako kinurot sa tagiliran.

"Gaga ka." sabi niya. Nagtawanan kami at nag-apir pa. "Kamusta, Maq?" tanong niya.

"Ayos lang..." sagot ko saka pa ngumiti.

"Nagkausap na ba kayo?" tanong niya. Hindi ako sumagot pero nginitian ko lang siya. "Ano yang ngiting yan aber? Hoy, Frencheska!"

"Hahahaha. Nagkausap pero hanggang dun pa lang." sabi ko.

"Anong hanggang dun pa lang? Shit ka. Di pa kayo?!"

"Natatae ka ba, bes? Grabe ka naman!"

"Eh jusmiyo naman Maqui. 6 years na kayong torpe sa isa't isa. Ako na naiinip eh." reklamo niya pa. Umirap lang ako saka na lang sumandal. "So? Anong sabi niya?"

"He wants us to stop this." sabi ko. Nanlaki ang mata niya kaya natawa ako. "Hahaha. Di yung iniisip mo okay? Gusto niya lang tigilan na namin yung pag-iwas sa isa't isa. Gusto niyang mabigyan ng second chance yung nangyayari samen."

"Second chance ha? Taray." pigil-tawa niya. "Pumayag ka naman ba? Nako Maqui pag di ka pa pumayag sasapakin na talaga kita!"

"Malamang! Pagod na rin ako, Jules. Pagod na kong takbuhan to. Lagi na lang ba kong magpapatalo sa takot ko sa pag-ibig? I mean, Gino's right eh. He loves me and I love him kaya walang problema dun. Kaya naisip ko bakit hindi diba? Pwede naman naming bigyan ng chance to."

Ngumiti siya saka niya hinawakan ang kamay ko.

"Dalaga ka na talaga." aniya.

"Gaga ka! Nauna pa ko magdalaga sayo no." irap ko. Tumawa kaming dalawa saka pa nag-apir.

"I'm happy that you're finally taking the risk. Grabe. I saw how your life was ruined nung binasted mo siya and when he started going back to the old Gino that he is. And nakita ko how you were devastated. Kala mo ha? Napapansin ko yun. Yung mga palusot mong magccr ka tapos paglabas mo mugto mata mo? I know you, Maq. Kaya natutuwa ako na finally, pumayag ka na."

"Mahal ko eh." kibit-balikat na sabi ko. Ngumiti siya saken saka tumango.

"And he loves you too."

"I know. Shit. Ang haba ng hair ko. Malapit ko na maachieve yung sayo bes!" sabi ko saka pa kami nagtawanan ulit.

"Makabanat ka lang talaga eno? Hahahaha."

"Syempre. Masyado tayong serious mag-usap eh." sabi ko.

"Ikaw talaga hate na hate mo kaseryosohan sa buhay." irap niya.

"Oh. Iirap nanaman oh. Dudukutin ko yan!" banta ko.

"Heh!" hagikgik niya.

"Teka. Buti free ka ngayon? Asan yung jowaers mo?" tanong ko.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon