12

757 34 0
                                    

Chapter 12

Tulad nga ng sinabi ni Gino, nagpunta kami dito sa bahay nila Kuya Earl kinabukasan. Infairness. Namiss ko yung pamangkin ko ha? Tagal kong di nakita tong matabang batang to eh.

"Ninaaaaaaang!" narinig kong sigaw ni Garret nang makita niya akong nakatayo sa labas ng gate nila.

"Babs!" untag ko saka dali-daling binuksan ang gate at yumakap sa pamangkin ko. "Namiss ka ni ninang."

"Mith din kita po!" aniya. Bulol pa din. 2 years old na pero bulol pa din. "Ninang, bili mo ko chubong?"

"Chubong? Oo naman!" sabi ko saka tumingin kay Gino na may mga dalang paperbag. Binigay niya sa akin yung binili ko kanina na laruan para kay Garret saka na nagpaalam na mauuna sa loob. "Oh. Diba gusto mo ng cars? Ayan. Binilan kita ng remote controlled na car!"

"Yeheeeey!!! Papa! Bili ako ninang chubong!" excited na sabi mo Garret sa tumakbo papasok ng bahay nila.

"Garret, madapa ka." habol ko saka na pumasok rin.

"Maq!" bati ni Ate Shane sabay yakap sa akin.

"Ate Shane!" sabi ko naman. "Naks. Sumesexy tayo ah!" puri ko sa kanya.

"Gaga. Kailangan eh. Hirap sa trabaho pag mabigat." sabi niya.

"Sabagay. Kamusta? Sorry ang tagal kong di nakadalaw ha? Eh nagbakasyon kami ni Vic kay apo eh. Yun. Di na ko nakapunta dito."

"Haha. Ayos lang yun. Tsaka busy din naman kami ng kuya mo sa trabaho. Buti nga andito si mama para bantayan si Garret eh."

"Nako ha. Maging lola's boy yan lagot kayo ni kuya."

"Hahaha. Di naman siguro, Maq." singit ni Kuya Earl. "Oh, Gino. Beer."

"Hoy, kuya. Kakadating lang namin inaalok mo agad ng beer yan? Alam mong mahina tolerance sa alcohol niyan."

"It's okay, Cheska. One bottle lang." ngisi ni Gino. Inirapan ko lang siya saka na hinatak si Ate Shane sa kusina.

Naabutan namin si Tita Judy na abala sa pagluluto dun. Pagkakita niya pa lang sa akin ay agad na siyang ngumiti at yumakap sa akin.

"Maqui! Andito ka na uli!" aniya.

"Syempre tita. Namiss kita eh." sabi ko. Tumawa siya saka ako pabirong kinurot sa tagiliran.

"Nako ikaw bata ka palabiro ka pa din." halakhak niya.

"Mana ako sayo eh. Hahaha. Ano bang niluluto mo tita? Panigurado masarap yan eh. Ikaw pa ba?"

"Hmp. Ewan ko sayo bata ka. Pininyahan na manok lang yan tsaka Calderetang kambing. Yan nirequest ng kuya mo at alam ko namang paborito mo yan."

"Eh! Touch naman ako tita!" sabi ko saka pa yumakap sa kanya. "Ang tagal ko ng di nakakakain ng kambing eh. Sa Pampanga pa ata yung last." sabi ko pa.

"Eh kamusta na nga pala ang lola niyo?" tanong ni Tita Judy.

"Okay naman po. Malakas pa din ang memory. Although madalas na lang siyang natutulog ngayon siguro dahil sa katandaan na din. Tsaka silang dalawa lang ni Angie dun eh. Eh si Angie naman pag tinulugan na siya ni apo, wala na. Nganga na yung bata sa kwarto. Hahahaha."

"Nako mabuti nga at hindi pa alagain yang si Imang Sila. Biruin niyo at the age of 85 alam niya pa kung sino kayong mga apo niya."

"Oo nga po eh."

"Si balae pala? Kamusta na sila sa America?"

"Sila mama? Ayos naman sila ni papa dun. Kahapon tumawag si mama saken eh. Uuwi daw sila sa susunod na buwan kasi magbibirthday si apo." sagot ko. "Oo nga pala ate, iemail mo daw kay mama yung sizes ni Garret para sa mga pasalubong."

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon