Chapter 4
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Eh kasi naman eh. Hindi ko na kayang kimkimin okay?
"W-why?" tanong niya.
Napayuko nanaman ako saka pinaglaruan ang mga daliri ko. Paano ko sasabihin sa kanya lahat ng takot na nasa puso ko?
"Cheska, I'm asking you. Why are you scared?" tanong niya.
"K-kasi..." nanlilit ang boses na sabi ko.
"Tell me..."
"K-kasi natatakot ako na baka ganti mo lang to dahil sa ginawa ko nun." sabi ko. "Look, Gino. Ang mabuti pa siguro umuwi ka na." sabi ko sa kanya saka na naglakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan na niya ko sa pulso at muling pinaharap sa kanya.
"You were scared because you think that this is all part of a revenge?" tanong niya. Kita ko ang frustration sa mata niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa kanya.
"Bakit? Hindi ba?" tanong ko. Pumikit siya saka suminghap at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. Mapupungay na ngayon ang mata niya.
"Cheska." untag niya saka pinadausdos ang kamay niya sa palad ko. "If you think that this is part of a revenge, bakit hindi ko to ginawa noon pa?" tanong niya.
"E-ewan ko..."
"You don't know or alam mong hindi ko talaga kayang gawin yun?" aniya. Nag-iwas ako ng tingin saka suminghap. "Cheska wala ba talagang tumatak sa isip mo na kahit katiting na mga sinabi ko?" tanong niya.
Hindi ako kumibo. Nahihiya ako na naiinis.
"Mahal kita. Do I have to prove it? Kasi kung kailangan mo ng pruweba, I'd be willing to do anything. Maipakita at maparamdam ko lang sayo that I love you."
"Umuwi ka na Gino. Please..." makaawa ka.
Hinawakan niya ang kamay ko saka pa ito hinalikan. Naramdaman ko ang mainit na luhang nanggaling sa mga mata niya kaya napaangat ako ng tingin. Umiiyak siya. Gino never cried before. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Please don't push me away Cheska. If you're scared then we'll take this slowly. Just please don't push me away. Coz I don't think I can survive this time."
Hindi na ako sumagot at inalis na lang ang kamay niyang nakahawak saken saka na tumakbo papasok ng bahay.
Nagkulong ako sa kwarto buong araw. Ni hindi ko nga pinansin si Vic nung tinanong niya ko kung anong nangyari at bakit umuwi si Gino na luhaan. Hindi rin ako bumaba nang tawagin nila ako para maghapunan. Ayoko munang makakita ng tao ngayon. Gusto ko muna mapag-isa.
Nakaupo ako sa sulok ng kama ko nang may makapukaw sa atensyon ko. Isang box yun na may nakasulat na 'MAQUI'S UNIFORMS' gamit ang makapal na pentel pen. Ang alam ko ay naitapon na lahat ng school uniforms ko ah. Bakit may ganito pa? Tumayo ako saka nilapitan ang box at hinatak ito papunta sa kama. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang college uniform ko na may bahid ng ketchup.
Papasok na kami ni Julie nun sa cafeteria. Lunch break kasi namin at nagyaya siyang sa cafeteria na lang kumain para daw makatipid.
"Heto na nga kasi bes, diba nga itong anak ni Mrs. Pascual umuwi galing America? Alam mo kung bakit?" tanong ko kay Julie.
"Hindi. Bakit?"
"Kasi buntis!" sabi ko.
"Wow ka naman bes! Ang bilis mo namang makasagap ng chismis. Pati anak ng landlady natin sa dorm alam mo agad pinagdaanan?" aniya.
"Malamang! Ang taklesa kaya ni Mrs. Pascual. Narinig ko siya kaninang umaga bago ako maligo. Nagsisisigaw siya dun na kesyo sira na daw kinabukasan ng anak niya tapos ang kapal daw ng mukha nung kanong jowa ni Dale dahil daw di man lang siya pinanagutan. Oh. Anong macconclude mo dun? Edi buntis!"