5

947 33 1
                                    

Chapter 5

Ang drama-drama ko. Nakakairita. Ganito ba epekto kapag wala yung bestfriend mo dahil nasa honeymoon tapos yung lalaking gusto mo, nakikiusap sayo? Ang sakit na sa ulo mag-isip! Nakakaloka. Baka any moment mabaliw ako.

"Maq, sama ka ba? Pupunta kami ng kambal sa Clark." sabi ni Vic.

"Hindi na. Magpapahinga na lang ako dito sa bahay." sabi ko.

"Sure ka? Kailangan mong lumabas, Maq. Uso yun."

"Ayoko. Bampira ako eh. Kumikinang ako kapag nasisikatan ng araw." patawa ko pa.

"Tantado!" halakhak ni Vic. "Sige. Uuwian ka na lang namin ng pasalubong." aniya pa. Tumango na ako at saka na siya lumabas ng kwarto ko.

Humiga na uli ako sa kama saka na lang sinalpak sa tenga ko ang earphones ko. Wala naman kasing tv dito sa kwarto at tinatamad akong lumabas kaya ito na lang ang gagawin ko. Aasa na lang ako sa phone ko at sa music at movies nito.

"Hm... Ano ba magandang panoorin?" tanong ko sa sarili habang nagsscroll down sa list ng movies ko sa phone. "Ay shet ito na lang."

Pinindot ko na ang play button at nagsimula na ang opening credits ng movie.

"Tanginang buhay to. Bakit pa ko nabuhay?" sabi nung bida sa pelikula.

"Eh gaga ka kasi. Alam mong 40kg lang pwedeng timbang ng baggage tapos ang dami mong dala." comment ko naman. Umirap pa ko sa sobrang irita.

Nanahimik na uli ako habang pinapanood ko ang pelikula. Naiiyak pa ko dahil sa mga sentimyento nitong bidang si Mace pero matatawa naman ako dahil sa mga banat niya.

"Tangina sakit mo magsalita ah! Close tayo?!" sigaw niya kay Anthony.

"Gago ka, Mace." singhot ko.

Maya-maya pa'y yung eksena na sa karaoke bar at nagkakantahan na sila ng Where Do Broken Hearts Go.

"Gusto kong mag Baguio." ani Mace.

Napaisip ako. Bakit nga kaya sa Baguio nagssoul searching ang mga broken hearted? Anong meron sa Baguio na wala sa ibang lugar? Eh diba madami ngang lovers dun? Tsaka isa pa, kung gusto mong magmove on kahit nasa kwarto ka lang, nanonood ng movies sa laptop or phone mo at may supply ka ng pagkain ay solve ka na. You don't have to travel far distances and waste a lot of money para lang makalimot ka. Wala naman kasi sa lugar ang pagkalimot eh. Nasa tao yan. Nasa sa kanya yan kung gusto na niyang magmove on. Kasi hindi ka naman makakamove on kung sabi ka lang ng sabi na magmmove on ka. Dapat magkakasundo yung sinasabi mo sa nararamdaman mo. Hindi pwedeng gusto mo na pero pilit mong binabalik ang nakaraan. We don't have to dwell on the past because it will only ruin our future.

Madaling araw na at sobrang himbing na ng tulog ko. Nananaginip pa ko na kadate ko daw si Adam Levine at sobrang kilig na kilig pa daw ako. Malamang! Adam Levine yan. Masaya na kong idate niya kahit panaginip lang. Kinabog ko ganda ni Behati dun no. Nasa isang beach daw kami tapos holding hands kaming naglalakad. Di ko maintindihan yung pinag-uusapan namin pero kinikilig daw ako. Tangina kasi! Adam Levine yan!!! Tapos ang sobrang bonggang part dun, huminto daw siya maglakad tapos humarap siya saken. Tapos dahan-dahan nilapit niya yung mukha niya saken. Ikikiss niya ko shet! Tapos... Tapos... Nung buksan niya yung bibig niya biglang tunog ng phone yung sound na ginawa niya!!!

"Putangina hahalikan na pinagkait pa eh..." iritang sabi ko nang maalimpungatan ako. "Hello?"

"I'm outside your house, Cheska. Can you come down please?"

"Shet ka alam mo yun?! Gino Jose para sabihin ko sayo, alas tres na ng madaling araw! Sinong matinong tao ang mambubulabog ng ganitong oras ha?!"

"Uhm... Me? Come on, love. Puntahan mo lang ako saglit."

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon