Chapter 14
"Ang good mood ni Gino ah. Anyare?" tanong sa akin ni Julie.
Andito na kami sa Las Casas at kasalukuyan ng abala sina Gino sa pre-nup shoot ng client nila. Kaya kami ni Julie, nandito lang sa beach at nagpapahangin habang pinapanuod ang shoot nila.
"Palagi namang good mood yan. Mana sa asawa mo yan eh. May bulate sa tiyan." sagot ko. Tumawa siya saka napailing.
"No I mean, simula nung naging okay kayo, sobrang ang ganda na ng aura niya lagi."
Hindi ako sumagot pero ngumiti ako. Ewan. Ano nga bang dapat maramdaman? Natutuwa ako na ganun na si Gino. Masaya ako sa kung anong meron kami ngayon.
"Well, I feel happy too." kibit-balikat ko.
"Kaya nga sabi ko kanina blooming ka eh." sagot naman niya saken. "Pero balita ko tagtaray ka pa din ah. Maq ha? Uso pusong mamon. Gusto mo ipressure cooker ko yan para lumambot?"
"Namo ah!" singhal ko. Tumawa lang naman siya saka pa hinampas-hampas ang hita ko. "Julie Anne, kilala mo ko. Hindi ako kagaya mo na malandi okay? Wholesome to bes! Ano ba." irap ko.
"Wholesome mo mukha mo!" halakhak niya. Agad ko siyang binatukan kaya lalo pa siyang natawa.
"Bestfriend ba talaga kita?!"
"Naman! Bestfriends do this to each other. They say what's real. Hello, Maq? Di uso plastikan saten no." aniya saka uminom sa juice niya.
"Kung sabagay. May point ka ng konti dun. Mga 0.05 point." sabi ko.
"Psh. Whatever, Maqui." sambit niya.
Nagpatuloy pa kami sa pagkkwentuhan hanggang sa lumapit na sa amin sina Elmo at Gino.
"You girls enjoying yourselves?" tanong ni Elmo pagkaupo niya sa tabi ni Julie sabay halik pa sa balikat ng asawa. "I missed you, baby."
"Enjoy naman. Eh kaso dumating ka. Edi hindi na." sarcastic na sagot ko.
"Baby, inaaway nanaman ako ni Farr! Gino man! Hanggang titig ka na lang ba diyan?!" ani Elmo saka pa ngumisi kay Gino.
Tiningala ko si Gino na nakatayo naman sa gilid ko saka pinanlakihan ng mata.
"Oh ano? Paparaan ka nanaman?" pagtataray ko.
"Nope. I'll just watch you." aniya sabay ngiti ng malapad.
"Good. Mabuti ng nagkakaliwanagan tayo dito." sabi ko naman.
"Slow, man. Slow!" kumento ni Elmo habang si Julie naman ay tumatawa lang.
"I'm taking my time dude." rinig kong sagot ni Gino.
"Gino, why won't you sit down?" tanong naman ni Julie. "Ayan oh. Ang luwag pa sa tabi ni Maq."
"Julie Anne..." banta ko pero nginitian niya lang ako saka muling tumingin kay Gino. "Psh. Some friend."
"Uhm... Baka ayaw ni Cheska eh." kamot-ulong sabi ni Gino.
"Umupo ka na. Sabihin mo pa ang hard ko sayo. Nakakahiya naman diba?" sabi ko saka umusog ng konti. Nginitian niya ako at saka na siya tumabi sa akin.
"Oh diba? You guys look great. Isang smile nga diyan." ani Elmo saka kami kinuhaan ng picture.
"Aww! Ang cute niyo!" kinikilig na sambit ni Julie.
"Whatever." irap ko.
"Love..." narinig kong bulong ni Gino.
"Oh?"
"You want to get away from them? Kasi tignan mo oh. Medyo nakaka-OP na dito." aniya. Tumingin ako kanila Elmo at Julie at nahuli kong naghaharutan na sila. Tama si Gino. OP na kami dito.