Chapter 6
Nakatulog ako pagkatapos manuod ng movie. Napagod ata yung mata ko kasi sobrang lapit nung screen sa mukha ko eh.
"Here we are! Welcome to La Union!" bulalas ni Gino nang makapagpark siya sa labas ng isang malaking bahay. "Come on!" excited na sambit niya saka na ko hinatak.
"Hoy! Gino ano ba yan!" sigaw ko. Bigla siyang pumasok sa bahay at saka pa tumakbo hanggang nakarating kami sa likod-bahay kung saan tanaw ang buong beach. "Shet ang ganda..." manghang sambit ko.
"Sobra." aniya. Tumingin ako sa kanya at nahuli siyang nakatitig. "Nung beach. Ang ganda nung beach no?"
"Oo." tango ko. "Pero teka. Gago ka bigla kang pumapasok dito eh hindi naman ata sayo to. Mademanda pa tayong trespassing!" singhal ko sa kanya.
"Tito Gino?" nagulat kami nang may magsalitang bata. Paglingon ko ay nakita ko ang isang batang babae na malaki ang ngisi. Tumakbo siya palapit kay Gino saka nagpakarga. "Happy birthday, tito!"
"Good morning, Rosie. You're up early." ani Gino habang natatawa sa paulit-ulit na paghalik sa kanya ng bata.
"Kasi mommy said na you'll be here eh. I want to greet you first." naeexcite na sabi nito.
"Aww. Thank you, baby." sambit ni Gino.
Ngumisi lang naman ang bata saka napalingon sa akin.
"Uhm... H-Hi!" medyo nahihiyang bati ko.
"Hello! My name is Rosie and I'm 5 years old." pakilala niya.
"I'm Ate Maqui." sagot ko naman.
"Hello po, Ate Maqui!"
"No. You should call her Tita Maqui, Rosie." paalala ni Gino. Tinignan naman siya ng nagtataka ng bata. "She's my girlfriend kaya dapat tita ang tawag mo sa kanya."
"Okay po!" ani Rosie saka na nagkakawag pababa at pagkatapos ay lumapit sa akin at yumakap. Humalik pa nga siya sa pisngi ko. "Hello, Tita Maqui. I love you po!"
Namula naman ako sa sinabi niya. Nakakalokang bata to. Mahal agad ako kahit kakakilala lang namin? Grabe!
"Rosie asan ka na?" narinig naming sigaw ng isang babae. Maya-maya ay bumungad sa amin ang magandang babae na sa tingin ko ay mommy ni Rosie. "Oh. Gino you're here already!"
"Hi ate." bati ni Gino.
"Happy Birthday, surfer." bati nito sa kanya.
"Thank you, ate." ani Gino. Napalingon sa akin ang babae saka pa lumapad ang ngiti niya.
"Good morning po." bati ko.
"Good morning to you too, dear. Hindi ko alam na may magandang bisita pala tayo. I'll call manang to prepare breakfast na ha? Make yourself at home, dear."
"Okay ate." natatawang sabi ni Gino nang magmadaling maglakad pabalik sa loob ang ate niya.
"Inyo to?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong bahay.
"Yes, love. Bakit?"
"W-wala... Uhm... Ate mo?"
"Yup. Si Ate Rafa. She's my one and only sister. And yung makulit na bata naman si Rosie. She's my niece." aniya.
Tumango ako saka muling tumingin sa harap. Ang ganda kasi talaga ng view. Makikita mo ang dagat. Yung bawat hampas ng alon sa dalampasigan.
"Bakit mo ko dinala dito?" di ko maiwasang itanong.
"Because it's my birthday?" aniya. Nagtaas ako ng isang kilay dahilan para matawa siya. "Hahahaha. Okay fine. This is kind of a ritual already. I always cone up here tuwing birthday ko."