13

690 32 1
                                    

Chapter 13

"Ready?" tanong sa akin ni Gino nang makalabas ako ng gate ng bahay. "Wait. Ang iksi ng shorts mo, love."

Binaba ko ng konti ang shades na suot ko saka siya tinaasan ng kilay.

"Anong problema sa shorts ko? Eh ganito naman mga sinusuot ko."

"Yeah, I know. Pero kasama natin sila Jim so it's best if you change into something na mas mahaba. Please?" pakiusap niya. Umirap ako saka muling pumasok. "I love you!" pahabol pa niya.

"Namo gago." bulong ko sa sarili saka na pumanhik sa kwarto. Mabilis akong nagpalit ng pantalon saka na muling bumaba. "Okay na po ba to?"

"That's better." ngisi niya saka na nilahad ang kamay niya at hinatak ako para mayakap niya. Para-paraan lvl 1000. "Good morning, love. Wag na magsungit."

"Tara na. Hinihintay na tayo nila Julie." sabi ko na lang. Inangat niya ang mukha ko para magkatinginan kami saka ako malambing na nginitian. "Let's go, Gino. Hindi tayo makakarating ng Bataan if we stay like this."

"Hahaha. Right." tango niya at mabili na kong hinalikan bago pa ko pinasakay sa passenger's seat. Para-paraan lvl 2000. Hay nako. "You haven't eaten breakfast diba?"

"Sabi mo wag eh. Edi hindi. Bakit?"

"Good. Kasi magddrive-thru tayo." ngisi niya. Umirap naman ako saka natawa.

"Kala ko naman kung bakit. Drive-thru lang pala ang nais. Oh tara na. Hahahaha."

"Hahaha. Oo na po, baby love. Heto na nga po." aniya saka na pinaandar ang sasakyan.

"Anong shoot yung sa Bataan?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan papuntang studio.

"Hm. It's a pre-nup shoot for a client. They actually wanted something traditional and historical." sagot niya.

"Ah okay. Eh bakit Bataan pa? Sa Intramuros lang historical na eh."

Ngumiti siya saka kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nun. Para-paraan lvl 3000. Tsk.

"That's the reason why they chose Bataan, love. Intramuros is too mainstream for wedding pictorials. Samantalang if they do it in Bataan, they'll be seeing a different kind of history."

"Saan ba dun?" pagtataka ko. Ang alam ko lang sa Bataan, yung Corregidor eh.

"It's in Las Casas. It's a Spanish-era themed hotel and resort. Maganda dun promise. I've done some research and konti pa lang talaga nakakadiscover sa kanya because it's too far nga and also, medyo mahal dun."

"Ah. So bigtime pala yung client niyo." sabi ko. Tumango lang siya saka niliko ang sasakyan sa Mcdo.

"Yeah. But before we go tot he studio, I want to get you some food first. What's your order?" tanong niya.

"Kaw na bahala." sagot ko. Sa totoo lang, gusto kong itest kung alam niya ba yung gusto kong breakfast dito. Kung naaalala niya pa.

"Okay." kibit-balikat niya saka na humarap sa babaeng kanina pa mapupunit ang mukha sa sobrang pagngiti. Nakakaloka si ate. Mata mo hoy! Tusukin ko yan eh.

"Good morning, sir! Welcome to Mcdonald's." bati niya saka pa nagbeautiful eyes. Ulol pakyu. Panget mo. Di mo ba kita?! Hawak kamay ko oh! Ngudngod ko pa?

"Uhm... Give me 2 Sausage Mcmuffin with cheese and hashbrowns."

"Large coffee sir?"

"No. She hates coffee in the morning. Give us orange juice." nakangiting sabi ni Gino. Aba! Memory lvl 1000 ka banda dito ha. Very good pagpatuloy mo. "Oh and yeah, give me a box of apple pie." aniya saka tumingin sa akin. Edi wow. Memory lvl 2000 ka na. Kaw na!

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon