Ibinigay ni Ms. Lech samin ang folder na kung saan nakalagay ang ginawa naming storya..
Subrang ikli lang talaga nitong sakin dahil mas nag focus ako sa singing contest, pero sabi ni Ms. okay lang naman daw maganda naman..
Bumaba kaming lahat except kay ate Leashy dahil siya ang unang mag babasa ng story niya..
"Hello everyone" Sabi niya habang nakatayo sa stage. Hawak niya ang folder na naglalaman ng story niya..
"Go Beshyyy!!!"
"Woahh Leashy!!'
"Kaibigan ko yan!!"
Sigaw ng ibang estudyante, mga kakilala niya siguro.
"Woah Go ate!!!" Sigaw namin nina Asnary at Mersilery..
Biglang tumugtom ang kantang Beautiful in White..
"Naniniwala ka ba sa forever?
Totoo nga bang may nag eexist na ganon dito sa mundo??
Sino kaya ang makakatuluyan ko?
Sino kaya ang lalaking para sakin?Yan ang mga katanungang palagi kong tinatanong sa sarili ko noong bata pa ako..
Pero lahat ng katanungan na yun ay nasagot noong nakilala ko siya..
Nasa park ako that time, gala lang dahil na bo-bored ako sa bahay. Habang naglalakad ako ay kinakain ko ang binili kong ice cream ng may biglang may naka bangga akong lalaki.
When I first saw him naramdaman ko nalang na bumilis ang tibok ng puso ko, and I don't know why I felt that.
Nagalit pa siya noon sakin dahil nalagyan ng ice cream ang damit niya. Nainis at nagalit siya, di daw ako marunong tumingin sa dinadaanan ko, bulag raw ba ako at kung ano ano pang masasakit na salita Ang sinabi niya sakin. At dahil sa mga sinasabi niya ay nainis rin ako kaya nasigawan ko rin siya.
Grabe halos masakal ko siya dahil sa inis ko sa kanya. Hindi ko naman siya kilala, gwapo nga pero pangit naman yung ugali.
Pero dahil mapaglaro si tadhana muli kaming nagkita at ang malala pa ay naging kaklase at seat mate ko pa siya sa bagong paaralan na nilipatan ko..
Nung una hindi kami nagkakasundo pero kinalaunan ay medyo naging okay kami hanggang sa tuluyan na kaming naging mag kaibigan.
At hindi ko inaakala na magiging fiance ko siya.
Alam mo yung feeling na parang anlabong mangyari pero nangyari parin..
"Babe?" Napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako..
"Yes?" Nakangiting tanong ko..
"I love so much" Sabi niya, sasagot na sana ako ng I love you too pero hindi ko iyon natuloy dahil bigla niya na lamang hinalikan ang labi ko..."
Pumalakpak at nagsigawan kaming lahat matapos basahin ni Ate Leashy ang ginawa niyang story..
Bumaba siya sa stage at pumunta samin at nagyakapan kami..
"Finally I'm done" Sabi niya at pumakawala ng buntong hininga..
Sumunod na nagbasa ay si Asnary, then si Mersilery at pagkatapos ay si kuya Niel.
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
Любовные романыI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...