Chapter 4: He's my future husband? ✓

19 0 0
                                    

CHAPTER 4

RYMA'S POV.

Subrang busy kami ngayong umaga dahil nga kaarawan nitong si kuya Johnly. Ewan ko ba bakit tuwing birthday nila super special.. hayss bala na nga sila, pera naman nila ginagastos hindi naman akin..

"Need help??"

Napatigil naman ako sa pag pupunas ng mga kasangkapang gagamitin mamaya nang lumapit sakin si kuya Johnly at inakbayan niya ko..

"No thanks" Sabi ko sabay kuha ng kamay niya sa balikat ko..

Kung close kami ni Jann eh close rin kami ni kuya Johnly. Sanay ako sa pag akbay akbay niya sakin dahil palagi niya naman yang ginagawa tuwing magkasama kami o nagkikita kaming dalawa.

Natawa nalang ako ng aking maalala yung napagkamalan kaming mag jowa ni kuya Johnly ng mga tropa niya..

Nasa mall kami non kasama si Jann dahil bibili  kami ng regalo para kay Mama.

Dahil nga ang hilig mang akbay ni kuya Johnly ay nakaakbay na naman siya sakin habang naglalakad kaming tatlo sa mall. Wala namang pake si Jann dahil sanay na siya samin.

"Ay ang sweet!!"

"Woyy PDA yan tol!!"

"Child abuse yan tol!!"

Napatingin kami sa mga nagsalita at kita kong samin sila nakatingin..

Aba maka child abuse naman to hindi naman halatang mas bata ako ng limang taon sa kanya ah. Ang taas ko kaya pero mas mataas si kuya Johnly dahil mga lagpas sa balikat niya lang ako..

"Mga ulol 'di ko to jowa!" Sabi naman ni kuya Johnly at binatukan yung tatlong lalaki..

"Wehh???" Sabi nong Isa..

"Diba ikaw yung kapatid ni Johnly?" Sabi naman ng isa at tumango lang si Jann..

"Jowa niya ba tong kasama niya??" Mahinang tanong niya pero narinig ko parin..

Nagkibit balikat lang si Jann..

Aba ba't ngayon pa sinumpong ng katamaran mag salita yung isang to...

"Jowa mo yan tol" Sabi naman ng Isa..

"Hindi nga kasi pamangkin ko siya" Sabi ko nalang at natawa yung tatlo..

Aba...what's funny??

"Pamangkin? Eh halatang mas matanda sayo si Johnly oh"

Napailing iling nalang ako ng maalala ko yun..

"Si Jann pala kuya?" Tanong ko..

"Ah inutusan lang ni mama" Sabi niya at tumango-tango lang ako..

Nang matapos ang pagluluto ng mga ulam at mga meryenda para sa hapon ay umuwi muna ako sa bahay para maligo. Babalik nalang ako doon mamayang alas onsi kasama sila mama para doon mananghalian..

"Ay Ryma pakitulungan naman si Jann na manghatid ng ulam" Sabi ni ate Sirel nang makabalik ako sa kanilang bahay. Tumango naman ako at tinulungang si Jann na manghatid ng nga ulam.

"Jann" tawag ko kay Jann habang naglalakad kami.

"Oh?"

"Kagabi napanaginipan ko na naman siya"

"Oh tapos?"

"Hindi ko alam yung pangalan niya diba, pero kagabi ewan ko ba bakit tinawag ko siyang Tab"

Magsasalita pa sana si Jann kaso nasa tapat na kami ng bahay nina Aling Mili.

Ibinigay lang namin yung ulam at tsaka umalis na rin..

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon