"Dito yung bahay ko, I mean ng ate ko" Sabi ko kay Tab nang makarating kami sa bahay nila ate.
Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ni Tab at lumabas.
"Ehmm"
Hinanap ko agad kung sino iyon at nanlaki ang mga mata ko ng makita si ate Aya na nasa gilid pala ng gate.
Seryoso ang tingin niya sakin tapos napunta ang tingin niya sa taong nasa loob ng sasakyan.
Kinakabahan ako shit. Alam ko kung anong iniisip ni ate pero alam ko ring mali ang iniisip niya..
"Good evening po" napatingin ako ng biglang nagsalita si Tab na nasa tabi ko na pala.
"Magandang gabi rin, boyfriend kaba nitong kapatid ko?" Pormal na sabi ni ate pero nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya..
Boyfriend what the!?!?
"YES PO/HINDI PO" Sabay naming sabi ni Tab at nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nang tiningnan ko si ate hindi mainpinta ang itsura niya dahil sa narinig niya..
"I mean BOY na FRIEND-----BOYFRIEND" paliwanag ni Tab kay ate Aya kaya medyo natawa ako.
"Mabuti naman kung ganon. Kung nanliligaw ka man sa kanya ay magpaalam ka muna sakin. Iniingatan namin si Ryma dahil siya ang bunso at pinaka isip bata samin" Sabi ni ate at napanguso naman ako..
"Ate naman eh kailangan ba may kasamang lait" Sabi ko at kita kong natawa naman si Tab.
"Don't worry po ate kung sakali man pong ligawan ko 'tong kapatid niyo mag papaalam po ako sa inyo"
Nanlaki ang mga ata ko sa sinabi ni Tab.
Naramdaman ko na namang uminit ang pisngi ko..
A-ano daw!!!???
Ako liligawan niya!???
At maka tawag naman siyang ate sa ate ko parang sila yung magkapatid ah..
"Mabuti naman kung ganon" ngumiti si ate kay Tab at ngumiti rin si Tab..
Himala bakit palaging nakangiti to ngayon?
Sana ganyan nalang palagi Tab hindi yung minsan ka lang ngumiti.
"O siya sino ka nga pala hijo? Hindi ko pa palam alam ang pangalan mo" Sabi ni ate..
Yan kasi ate dada ka nang dada hindi mo muna inaalam ang pangalan..
"I'm Tab po" nakangiting sabi ni Tab.
"Ako naman si Aya tawagin mo nalang akong ate Aya, o siya pasok ka muna sa loob dito ka na mag hapunan" yaya ni ate kay Tab kaya nanlaki na naman yung mga mata ko..
Ano dito siya kakain?? Hindi pwede!!
Gusto ko rin na dito siya kumain pero parang ayaw ko rin aughhh....
"Ayy ate uuwi na yang si Tab may gagawin pa yan eh" Sabi ko kay ate "diba Tab?" Tiningnan ko Siya nang nakataas ang kilay na para bang sinasabi ko na 'sumakay kana sa trip ko wag ka na ditong kumain'
"Ayy sayang nama---"
"Okay po wala naman po akong gagawin, dito nalang po ako mag de-dinner" putol ni Tab sa sinasabi ni ate aya kaya natuwa naman si ate.
Napairap nalang ako at naunang pumasok sa loob at umakyat ng kwarto para mag bihis.
Hindi naman sa ayaw kong dito kumain si Tab, sa totoo nga gusto ko eh kaso nahihiya ako ng di ko alam ang dahilan..

BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...