SIMULA
"Saan mo ba kasi gustong pumunta?" Tanong ko.
"Kahit saan, as long as I'm with you" sagot niya at napailing iling naman ako..
"Ang karnenorte mo pramisss"
"Karnenorte?" Nagtatakang tanong niya...
"Tss.. Ang slow mo naman, yung karnenorte yung pag--- aughh basta I can't explain it because you know naman bobo si ako pag dating sa explanation" medyo naiiritang sabi ko at napangiti naman siya.
Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang kanyang mga palad. He looked into my eyes kaya nailang ako.
Gusto ko man na ibaling sa ibang direksyon ang paningin ko but I can't. I feel that there's a magnet in his eyes at hinihigop ang buong pagkatao ko sa tingin niyang iyon.
"I love you so much" he said while looking into my eyes..
"I love you more" I answered as a reply, at binigyan ko siya ng matamis na ngiti..
Dahan dahang niyang nilapit ang kanyang mukha sakin. Hanggang sa naramdaman ko na ang kangyang hininga. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na dumampi ang kanyang labi-----
"RYMAAAAA!!!!!!"
Napabalikwas ako saking kama ng marinig ko ang mala ambulance na boses ni mama...
"AYAN NA PO MA WEYYTTT A MINITT PO KAPING MAINIT!!" Sigaw ko at humiga ulit sa kama.
Haynaku po nakakaantok pa po talaga.
Okay lang yan, Ryma konting tiis nalang at makakagraduate ka na rin sa Elementary.
Napairap na lang ako sa kawalan ng maalala ko ang aking panaginip.
Alam niyo po ba na iingit-- este nabibwesit ako sa babae at lalaking palaging na sa panaginip ko.
Aba paano ako 'di mabibwiset eh hindi ko nga sila kilala pero sila nalang palagi yung laman ng panaginip ko.
Naaalala ko pa, I was grade 2 or 3 that time nung una ko silang napanaginipan.
It feels like nanonood ako ng sine na love story dahil super sweet nilang dalawa.
Pero aanhin ko yung sweetness na yun kung hindi ko sila kilala diba?
At anong karapatan nila para pumasok sa panaginip ko?
Akala nila nakakatuwa?Sumasakit na nga ulo ko sa kaiisip kung sino sila eh. Lalo na yung girl feeling ko kasi sa kanya parang ako siya, pero dahil nga feelingera ako 'di yun totoo.
Pero kasi alam niyo yung parang ikaw yung bidang babae sa kuwento, para kasing magkadugtong lang yung buhay namin.
Wow ang haba naman ng buhay ko kung ganon, hanggang panaginip.
Haneeppp...
Pero alam ko naman na hindi magiging ako yung babae na nakikita ko sa panaginip ko kasi naman kabaliktaran yung lahat sa amin..
Maganda siya, pangit naman ako.
Sexy siya, baboy naman ako.
Mahaba yung buhok niya at subrang straight, samantalang sakin parang pugad ng ibon sa subrang sabog na sabog at maikli.
Basta subrang layo, siya kasi yung tipo ng babae na maituturing mong queen of BEAUTY samantalang ako queen of BOTE---- sa basurahan.Hayy nakuuu bahala na nga si Earth, basta ang importante ay important hindi ko naman kailangan maging maganda dahil I don't need to be beautiful.
Ayy bala na nga kayo diyan.
Maliligo pa ako baka mapagalitan ako ni mudrabells at palabhan sakin yung isang bukid na labahan.Nakuu.. nakuu.. nakuu..
Na sistressed ako sa malalanding couple na sumusulpot bigla sa panaginip ko, hindi man lang nagpapaalam sakin.
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...