chapter 22: Christmas party ✓

4 0 0
                                    

RYMA'S POV.

Lumipas ang mga araw na parang ang w-eweird ng mga tao sa paligid ko. Always kasi silang nakangiti sakin, alam kong normal lang naman yung ngumiti pero parang may something talaga kasi eh...

"Tita bilisan mo kasi yung pag lalakad ang bagal mo naman" napangiwi nalang ako sa sinabi ni Jann..

Kakapsok palang namin sa gate ng FIS pero itong si Jann napaka excited na. Christmas party na namin ngayon at halos lahat ng mga estudyanteng nakikita namin ay subrang bongga ang mga suot.

Kung sa bagay FIS to eh, halos mayayaman lahat ang nag aaral dito...

Yung sa exchange gift si Jay yung na bunot ko kaya nung nagyaya siya na sabay na kami bumili ng regalo ay tumanggi ako. Hindi niya naman alam na siya yung nabunot ko pero gusto ko surprise lang yung gift.

"Jann alam mo kanina ka pa nag mamadali, hindi naman tatakbo yung paaralan natin kaya wag kang ano" Sabi ko sa kanya sabay akbay..

"Hayy tita excited lang ako no" sagot niya naman..

"Weee?? Yun lang ba talga yung dahilan?"

"Meron pa ba dapat?" Inosenteng tanong ya..

"Abahh ewan ko sayo" sagot ko nalang...

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang naka akbay parin ako sa kanya..

Papaakyat na kami sa hagdan papuntang second floor ng may biglang tumawag samin..

Sabay naman kaming napalingon sa likuran at nakita namin si Jay na gwapong gwapo sa suot niya..

Ba't di niya kasama si Tab?

Eh ano ano naman kung 'di niya kasama diba?

Kailangan ba dapat kasama niya lagi si Tab?

Hay naku Ryma tumigil ka nga kinakausap mo na naman sarili mo.

"Kaninong lamay ka pupunta Jann?" pabirong tanong ni Jay kay Jann nung naka lapit na siya samin.

Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Jay...

Naka all black ang suot ni Jann, itim na T-shirt, itim na pants, itim na sapatos at itim na sumbrero. Ewan ko ba sa pamangkin ko at bakit ganyan yung suot niya, baka lamay talaga siguro ang pupuntahan niya..

Samantalang naka itim na spaghetti strap naman ako at pinatungan ko ng maong na jacket. Tapos naka maong din akong palda na above the knee at puting sapatos..

Nakita kong tiningnan ni Jann ng masama si Jay..

"Wala naman akong pupuntahang lamay kaya tumahimik ka diyan kung ayaw mong ikaw yung paglamayan" sagot ni Jann kay Jay at mas lalo akong natawa...

"Tama na nga yan baka mag away na naman kayong dalawa" sabi ko at nangunang mag lakad sa kanila..

"Okay na ba?" Narinig kong tanong ni Jann, si Jay siguro ang kausap niya..

Napalingon naman ako sa kanila..

"Ano yung okay?" Nagtatakang tanong ko..

"Ah yung ano---"

"Yung sugat ko tinatanong niya kung okay na daw ba?" Putol ni Jay kay Jann at tumango tango naman ako.

"Bakit ano bang nangyari sayo Jay?" Tanong ko..

"Ah na ano lang ako nung nag practice kami sa basketball" sagot ni Jay at tumango tango nalang ako at nag lakad nalang...

JAY'S POV.

"Ikaw kasi masyado kang maingay" mahinang sabi ko kay Jann baka kasi marinig na naman kami ulit ni Honey na nasa unahan namin..

"Ede sorry, oh okay kana?" Mataray na sagot ni Jann at napa iling iling naman ako...

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon