RYMA'S POV.
Oh my gosh!! Parang natulog lang ako tapos pagka gising ko tada!!! DECEMBER na!!!!!!!
Wahhh! Ang bilis lang talaga ng panahon no, parang kailan lang kayo pa tapos ngayon wala na. Ouchh pighati, kirot at pasakit. Charoottt...
Joke lang yun no, paka pag sabihan niyo lang ako na broken, eskyusmiii inlove ang mareng Ryma niyo haysss anlakas na ng tama ko kay Tab..
Pano ba kasi sa mga araw na nag daan parang umiba siya, hindi umiba na mas pumangit yung ugali ah eh kasi feel ko nag iba siya sakin parang sweet niya pag dating sakin minsan, ewan di ko ma explain basta kinikilig talaga ako...
(Delulu ka lang talaga Ryma:) )
Sabado ngayon at walang pasok, nagyayaya nga si Jann na mamasyal pero hindi ako sumama kasi tinatamad talaga ako, gusto ko lang mag stay sa bahay ngayon.
Bumaba ako ng kwarto at pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Cly na naglalaro ng mga laruan niya.
"Good morning baby Cly" bati ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako at nginitian at ibinalik din ang atinsyon sa laruan niya.
Napa nguso nalang ako at naglakad papuntang kusina. Nakita ko doon si ate Aya kaya umupo nalang ako sa isa sa mga upuan sa tabi ng mesa.
"Ate saan tayo mag ki-chrismas?" Tanong ko..
"Dito lang" Sabi niya "bakit miss mo na ba sila mama?" Sabi niya at tumango tango naman ako..
"Oo eh, ilang months ko na rin naman silang di nakikita in personal" Sabi ko..
"Makikita mo din sila Craeg" sabi niya at tumango naman ako...
Lumipas ang araw tada gabi na ulit...
Kakatapos ko lang mag half bath at nandito na ako ngayon sa kwarto ko para magbihis. Nang matapos akong mag bihis ay kinuha ko ang cellphone ko at umupo sa tabi ng bintana.
Binuksan ko ito at pumasok ang malamig na simoy ng hangin. December na talaga, nakaka miss mangarolling. Naalala ko tuloy noong bata pa kami nila Jann at ang iba ko pang mga pamangkin at ng mga kaedaran ko tuwing December. Palagi kaming nag ka-carolling doon sa probinsya namin.
Yung feeling na kakanta kami tapos pag lumabas na yung mga tao sa bahay para mag bigay ng pera eh magtatago kami para hindi kami makita dahil nahihiya kami. HAHAHA laugh trip talaga yun haahahah meron ding time na nambabato kami ng bubong pag 'di lumabas yung tao sa bahay..
Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga childhood memories ko. Nakaka miss talagang maging bata..
"La.. La.. Lalalalalalalala--"
"Ayy kalabaw" gulat na sabi ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot kung sino man ang tumawag..
Baka magtaka kayo sa ringtone ko ha, ang ginawa ko kasing ringtone ay yung Border Carnival ng Enhypen, eh yun yung intro sa album nila. Solid Engenes yata to...
"Hello?" Sabi ko..
Sino kaya to??
"Sino po sila??" Tanong ko..
"It's me" nagsitayuan ang mga balahibo ko nung malaman ko kung kaninong boses iyon..
Si Tab..
"Tab?" Medyo gulat pang sabi ko..
"Yup..." Sabi niya sa kabilang linya, nagsisi tayuan talaga ang balahibo ko sa tuwing nag sasalita siya. Ang lamig kasi ng boses niya..
"Oh ba't napa tawag ka? At teka pano mo nalaman yung number ko?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...