Chapter 8: Francesco International school ✓

17 1 0
                                    

CHAPTER 8

RYMA'S POV.

"Craeg, Jann kayo na ba yan!?" Halos namamanghang sabi ni ate at niyakap kaming dalawa..

Si ate Aya at ate Meg ang sumundo samin dito sa airport. Si ate Aya siya ang ate ko na dito naninirahan sa Manila at si ate Meg naman ang tita ni Jann. Kapatid niya si ate Sirel..

"Craeg grabe naman anong nangyari sa katawan mo ba't ang payat payat mo na?" Halos 'di makapaniwalang tanong ni ate Aya.

"Oh diba tita Aya ang sexy sexy na ni tita Ryma" Sabi naman Jann.

"Pero bagay sayo ang ganyang katawan, Ryma. Mas lalo kang gumanda" nakangiting sabi ni ate Meg..

"To naman si ate Meg grabi mambiro" Sabi ko..

"Hayy takuu tama na munang talking talking ito, naghihintay na yung asawa ko satin sa labas." Sabi naman ni ate Meg at tumango naman kami..

Lumabas na kami sa airport at naglakad papunta sa puting van. Baka ito na ang nag hihintay samin..

Actually hindi ko pa nakita yung asawa ni ate Meg.

Binuksan ni ate Meg ang van at naunang pumasok si ate Aya at sunod ako at si Jann. Sinara agad ni ate Meg ang pinto at dumiretso sa front seat.

"Bukas nalang siguro tayo mag shoshopping dahil gabi na at alam kong pagod kayo sa byahe" Sabi ni ate Meg at tumango lang kami.

"Tita saan ka matutulog?" Tanong sakin ni Jann..

"Kila ate Aya syempre, bakit ikaw kila ate Meg?" Tumango naman siya..

Mga ilang minuto ang aming binyahe ng biglang huminto ang van.

"Nandito na tayo sa bahay, Craeg" sabi ni ate Aya at tumango naman ako.

Kita kong bumaba si ate Meg at binuksan ang bintuan ng van.

Kinuha ko ang isang malaking backpack na dala ko at sumunod kay ate Aya sa pagbaba.

"Ohh pano ba yan, kita kits nalang bukas" Sabi ni ate Meg.

"Oh sige, mag ingat kayo" Sabi naman si ate Aya.

"Bye tita!!" Sabi ni Jann at kumaway. Kumaway din ako pabalik..

Nang makaalis ang sasakyan nila ay pumasok na kami sa bahay.

"Baby Clyyyy!!!!" Sigaw ko nang makita si Cly na busy sa mga laruan niya.

Agad akong lumapit sa kanya at binuhat ko siya..

Si Cly ay anak ni Ate Aya at kuya Val. Mga dalawang taon pa lang naman silang naninirahan dito sa Manila. Doon din sa amin nag 1 year old si Cly at palagi kaming nag vi-video call kaya kilala niya ako.

Mag ti-3 years old na siya sa August..

"Tita" nakangiting sabi niya. Pinisil ko naman ang pisngi niya dahil ang cute cute niyaaa...

"Ohh Ryma kain na tayo para makapagpahinga ka na rin" napatingin ako kay kuya Val ng lumapit siya samin..

"Oo nga Craeg kain na alam kong gutom ka" si ate Aya..

Tumango naman ako at pumunta sa mesa na karga karga si baby Cly..

"Ibaba mo nga si Cly, Craeg paano ka makakakain niyan?" suway sakin ni ate Aya kaya binaba ko si Cly. Tumakbo naman siya pabalik doon sa kanyang mga laruan.

Si ate Aya, Craeg na ang tawag niya sakin simula bata mas gusto niya daw kasi ang Craeg kesa sa Ryma..

Nagsimula na kaming kumain. Nag kwentuhan pa kami kaya masyadong natagalan ang aming pagkain. Nag presenta na akong mag hugas pero ayaw ni ate Aya, siya nalang daw ang bahala. Hinatid niya lang ako sa magiging kwarto ko.

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon