Chapter 5: A familiar voice ✓

16 0 0
                                    

CHAPTER 5

RYMA'S POV.


Dumaan ang ilang liggo ay yun lang ang iniisip ko..

Siya ba talaga yung magiging asawa ko??

Papasok ako ng school ng nakangiti tuwing naaalala ko yung sinabi ni Michelle na kinwento daw sa kanila ng teacher niya..

What if siya na nga??

What if kami talaga yung para sa isa't isa?

What if----- aughhh Ryma Craeg matulog ka na nga at may pasok ka pa bukas!!

What if ka ng what if eh...

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at natulog..








"Hala s-sorry sorry hindi ko talaga sinasadya"

"Ikaw na naman!!"

"Alam mo ang sungit sungit mo talaga" nakangusong sa sabi ko..

"Gwapo ka sana kaso ang suplado niyang mukha mo, saan ka ba pinaglihi ng Mama mo ha?"

"Magsalita ka naman ginagawa mo kong tanga dito eh"

"Hi I'm Ryma Craeg but you can call me Ryma or Craeg" nakangiting sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya..

"Alam mo hindi pa kita nakitang ngumiti. Bawal ka bang ngumiti? May bayad ba pag ngumiti ka?"

"Oh yan oh ngingiti ka rin pala eh.. Alam mo ang gwapo gwapo mo pag nakangiti ka, kaya dapat ngiti ka lang lagi"

"Mahal din kita"

"Walang hiya mag nanakaw ka!! Magnanakaw!!" Sagaw ko sa kanya habang pinapalo siya ng hawak kong kartolina...

Naglalakad ako sa kalsada, madilim na pero nakikita ko parin yung daan dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga street lights..

Nag patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa 'di kalayuan ay may natanaw akong tao.

Ipinagpatuloy ang aking pag lalakad at mga ilang metro nalang ang layo ko sa kanya ay tumigil ako dahil nagsalita siya pero hindi ko naintindihan..

Lalaki siya at pamilyar ang hubog ng kanyang katawan. Magsasalita na sana ako ng dahan dahan siyang limingon-------





*Ringgggggg.....Ringgggggg......Ringgggggg..... Ringgggggg ......*

Napamulat ako ng aking mata at dali daling kinuha ang cellphone ko, pinatay ko yung alarm at padabog na inilagay ito sa tabi ko..

Badrtip naman yung alarm oh ang ganda ganda na ng panaginip ko...

Medyo hindi ko ma gets yung panaginip ko dahil sa tuwing nagsasalita ako ay iba iba yung lugar at alam kong iba iba ang araw at ang oras sa tuwing sinasabi ko yung mga pinagsasabi ko sa panaginip ko..

Gusto ko pa sanang ipikit ang mga mata ko dahil gusto kong managinip ulit kaso di pwede dahil may pasok ngayon.

Bumangon nalang ako at ginawa ang mga morning routines ko..

"RYMAAAAA!!!" Napatigil ako sa pagpasok sa classroom at napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw ng mga buang kong kaibigan..

"Wahh!! Finally dumating kana our hero!!" Sigaw ni Chealyn..

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon