JANNMAE'S POV.
Napatingin ako kay Tita na ngayo'y alam kong nagtataka dahil sa mga nangyayari.
*FLASHBACK*
"So here's the plan" seryosong sabi ni Tab..
Totoo ba talaga yung sinabi niya?
Liligawan niya ba talaga si tita??
Una naming pinuntahang tatlo sila tita Aya pero syempre itiniming din namin na wala doon si tita Ryma...
"Tab!? Totoo!!??" Halos di makapaniwalang tanong ni Tita Aya kay Tab..
"Yes po ate, gusto ko po sanang hingin ang inyong permission na ligawan ang bunso niyong kapatid" sabi naman ni Tab...
"Oo naman Tab, boto ako sa inyo ng kapatid ko" nakangiting sabi ni tita at nakita ko ang saya sa mga mata ni Tab..
"Really po ate?" Parang batang sabi ni Tab.
Ngayon ko lang nakita yung ganitong side niya at alam kong seryoso siya sa tita ko at alam kong may gusto rin si tita Ryma kay Tab. Masyado ko siyang kilala...
"Can you call your parents po ba ate if it's okay lang? I want to talk to them po. Help me ate Aya"
Natawa naman ako sa inasal ni Tab para kasi siyang 7 years old na bata na humihingi ng tulong kay tita Aya na wag isumbong sa nagawang kasalanan...
"Sure Tab, tatawagan ko sila ngayon" Sabi naman ni tita Aya sabay kuha ng cellphone niya.
"Hello po ma" Sabi ni tita Aya nang sinagot na ni Lola ang tawag..
Ini-loud speak ni tita ang cellphone at inilagay ito sa gitna namin..
"Oh hello anak, ba't napatawag ka?" Rinig kong sabi ni Lola sa kabilang linya..
"Ma nandiyan din po ba si papa? May importante po kasi akong sasabihin sa Inyo" sabi ni tita...
"Ah nandito ako nak" rinig kong sabi ni lolo..
"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ulit ni Lola sa kabilang linya...
"Ahm may gusto po kasing manligaw kay Ryma mabait po siy----"
"Sino? Sigurado ba siya? Baka paiyakin niya anak ko, iniingatan natin si Ryma dahil siya nalang yung nag iisang nag aaral sa pamilya natin" putol ni Lola sa sinasabi ni tita Aya..
"La, si Jann po ito, kilala ko po yung manliligaw ni tita mabait po siya at kaibigan din po namin. Kaya nga po tumawag si tita sa inyo dahil po nandito po yung manliligaw ni tita at gusto niya po sanang hingin ang pahintulot niyo" Sabi ko..
"Oh Jann apo nandiyan ka din pala wala ba kayong pasok? Nasan si Ryma? At sino ba yung manliligaw niya at gusto kong kausapin" Sabi naman ni lolo sa kabilang linya..
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...