Chapter 10 : Just call me tab ✓

13 0 0
                                    

CHAPTER 10

RYMA'S POV.

"that's her right??"

"oh Yes, she's the girl na tumapon ng juice sa baby natin"

"Oh my grabe!? Ginawa niya yun sa baby natin? Aughh I want to slap her right now"

"Hindi naman siya kagandahan eh"

"And she looks like a lesbian"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom. Mag isa lang ako ngayon, masyado kasi akong napaaga kaya hindi ko nakasama si Jann.

Alam ko naman na ako yung pinag uusapan nila dahil ako yung nakatapon ng juice sa lalaking tinatawag nila na baby...

Baby? yuckkk.. ano nila yun anak?

At anong sabi nung isang chismosa? Sasampalin niya 'ko? Aba ipa salvage kita mamaya eh.. 'di joke lang hindi naman ako  masamang tao at isa pa wala akong pera para makahanap ng mga taong mag sasalvage sa chismosang yun..

Hingal na hingal akong pumasok sa classroom dahil gumamit ako ng hagdan kesa sa elevator.

Pagkapasok ko palang ay pinagtitinginan na kaagad ako ng mga classmates ko pero 'di ko nalang yun pinansin, umupo nalang ako sa upuan ko at isinalpak ang ear phones sa taenga ko.

Isinubsob ko ang mukha ko sa table ko at ipinikit ko ang aking mga mata.

Siguro subrang sikat nung lalaking yun dito. Dahil Hindi ko naman sinadya yung pagkakatapon ko ng juice sa kanya pero marami ng gusto akong saktan. Aba lang ah try nila akong saktan may back up kaya akong nag ngangalang Jann..

Pero halatang sikat nga yung lalaki dahil hindi ko maipagkakailang sabihin na gwapo siya. Makapal ang kilay, maganda ang mga mata, matangos ang ilong at ang pula ng labi. Matangkad din siya mga hanggang balikat nga lang siguro ako at siguro mas matanda yun sakin..

Eh paki ko naman sa kanya diba?

Aishh Ryma wag mo na ngang isipin yung lalaking yon..

Mga ilang minuto akong nasa ganuong posisyon ng may biglang kumalabit sakin.

Napaangat naman ako ng ulo at nakita ko si Jay na subrang lapit ng  mukha sa'kin kaya napalayo ako. Muntik pang matumba ang upuan ko dahil sa biglaan kong paggalaw.

"Nakakagulat ka naman Jay" Sabi ko at natawa naman siya..

Aba natawa pa ang bakla, batukan kita diyan eh.

"Sorry nga pala about sa nangyari kahapon, Hindi ko alam na natapunan mo ng juice yung cousin ko." Sabi niya at ngumiti naman ako..

"Ano ka ba akay lang no kasalanan ko naman yon kasi tatanga tanga ako" natatawang sabi ko. Totoo naman kasi eh..

"I'm really sorry, but don't be afraid sa pinsan ko mabait naman siya hindi lang halata sa itsura"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagkwentuhan pa kaming dalawa bago dumating ang prof namin sa unamg subject..

TALKING-TALKING

DISCUSS

DISCUSS

TALKING-TALKING

BREAK



"Sabay ulit tayo Ryma" nakangusong Sabi no Jay.

Itong isang to mukha talagang bakla.

"Oo na" Sabi ko.

"Yes" Sabi niya sabay akbay sakin.

Pinagtitinginan naman kami ng mga classmates namin kaya siniko ko siya.

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon